Kris, 2 anak nakabalik na ng Pinas matapos magpagamot sa SG; Instagram, FB burado na

By Ervin Santiago June 17,2019
share this

Kris, 2 anak nakabalik na ng Pinas matapos magpagamot sa SG; Instagram, FB burado na

By Ervin Santiago June 17,2019
share this

BIMBY, KRIS AQUINO AT JOSHUA

PINANINDIGAN ng Queen of Social Median na si Kris Aquino ang kanyang sinabi na babu muna siya sa social media.

Ilang araw matapos magpaalam pansamantala ang TV host-actress sa kanyang milyun-milyong followers, hindi na uli siya nag-post ng kahit anong litrato o mensahe sa kanyang Instagram at Facebook.

Ang last IG at FB post ni Kris ay noon pang June 7 habang nasa Singapore pa siya kung saan sumailalim siya sa ilang series of medical tests para sa patuloy na pagpapagamot ng kanyang autoimmune disorder.

Ayon sa mommy nina Joshua at Bimby, magpo-focus muna siya sa pagpapalakas ng kanyang katawan at ayon na rin sa kanyang mga doktor, mas makabubuti sa kanyang kundisyon kung kakaririn muna niya ang pagiging “private citizen”.

“My reason is simple, I need to HEAL… in every aspect of my being… for me to take care of my 2 boys who have seen and experienced way too much of both the good and bad, but for almost a year, it’s really been the physical pain and emotional disappointment that they’ve had to live with.

“And as the only constant parent in their lives, it’s my duty to put them FIRST. I cannot erase their undeserved pain, but I can emphasize how much I’ll do to get physically stronger and with emotional prescience release the broken parts of me to FREE US from our sorrow because at least that’s within my control,” bahagi ng huling post ni Tetay.

Maraming nam-bash kay Kris matapos siyang “magpaalam” sa kanyang fans dahil ilang beses na raw niyang sinabi ito pero hindi naman niya mapanindigan. Pero mukhang napahiya nga ang kanyang haters dahil hindi na ma-search ang kanyang Facebook at Instagram account.

“No user found” at “Sorry, this page isn’t available” na ang nakalagay sa kanyang Twitter, FB at IG. Ang huling video naman na naka-post sa kanyang Youtube Channel ay kuha pa noong birthday ni Joshua.

Ayon sa isang source, nakauwi na ng Pilipinas si Kris matapos ang ilang linggong pagbabakasyon at pagpapagamot sa Singapore kasama ang dalawang anak.

Hanggang ngayon ay wala pang ibinabalita si Kris kung ano na ang update sa resulta ng kanyang medical tests sa Singapore kaya naman patuloy pa rin ang pagdarasal ng kanyang mga solid at loyal supporters para sa kanyang paggaling.

Ayon naman sa isang taong malapit sa TV host-actress okay naman ang kundisyon nito ngayon, “Tuloy ang pag-inom ng mga gamot. Affected ng sakit ang sleeping pattern niya, so panay lang ang basa ng books.”

May nakapagsabi naman sa amin na posibleng ibalik ni Kris ang kanyang social media accounts pagkatapos ng “ghost month”.

Umaasa naman ang kanyang followers sa social media na tutuparin ni Kris ang kanyang promise bago siya “magpaalam.”

Narito ang isang bahagi ng IG post ni Kris bago ma-deactivate ang kanyang socmed accounts, “They say you never forget a person that mattered, but please let me take that further and say, I pray I was that gracious guest you once allowed into your personal space on a daily basis for 20+ years.

“The one destiny was smart enough to not allow to overstay her welcome, and now she’s matured enough to not want to burden you with her problems.

“Thus she will hold on to that spare key you gave her as a parting gift, because somehow for enough of you, once she has HEALED in body and spirit, her authenticity earned her an open invitation to visit your homes and hearts once again.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending