250,000 estudyante sa public school natulungan ng SKY, Knowledge Channel | Bandera

250,000 estudyante sa public school natulungan ng SKY, Knowledge Channel

- June 17, 2019 - 12:05 AM

MAHIGIT 250,000 na mga mag-aaral sa malalayong bahagi ng bansa ang nagagabayan ng Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), sa pagsasanib-pwersa nito sa SKYdirect, ang direct-to-home satellite TV service ng SKY sa paghahatid ng “multimedia curriculum-based” na edukasyon.

Gamit ng SKYdirect ang satellite television technology, kaya hindi na kinakailangan ng mga kumplikadong aparato para maiparating ang serbisyong edukasyon ng Knowledge Channel.

Mas pinatatag naman ng KCFI ang pagbibigay ng edukasyon gamit ang “multimedia learning resources” hatid ng SKY.

Nagiging madali ang pagtuturo ng mga guro sa pamamagitan ng mga umeereng mga programa ng KCFI sa Knowledge Channel na mas naiintindihan ng mga mag-aaral.

“Sa pamamagitan ng aming pakikipag-partner sa KCFI, mas naipaparating sa kabataang Pilipino ang mga kwento ng pag-asa,” ayon kay SKY Corporation president and chief operating officer Antonio Ventosa.

Ang dating Sky Foundation Inc. noong 1999, ang KCFI ay ang unang gumamit ng telebisyon para palaganapin ang edukasyon sa bansa.

Noong 2016, sa pamamagitan naman ng SKYdirect Gift of Knowledge kits, mas maraming batang mag-aaral na nakatira sa sa Batanes, Palawan, Negros Oriental, at Compostela Valley ang nabigyan ng edukasyon.

“Dahil sa mga SKYdirect sa iba’t ibang dako ng bansa, nagkaroon ng kakampi ang KCFI na maabot ang iba’t-ibang klase ng mag-aaral sa buong bansa,” sabi naman ni Rina Lopez-Bautista, co-founder, president, at executive director ng Knowledge Channel Foundation.

Araw-araw, mas marami ang natutulungan ng SKYdirect, lalo na ang mga naka-enrol sa pinakamalalayong parte ng Pilipinas, mga day-care centers, Alternative Learning System (ALS), at mga pampublikong lugar na SKYdirect ang ginagamit makanood lang ng Knowledge Channel,” dagdag pa ni Lopez-Bautista.

Sa nakalipas na 10 taon, napatunayan na ng Knowledge Channel ang pagtaas ng iskor ng mga mag-aaral sa Valugan Elementary School, Basco Central Elementary School at Basco Science High School sa National Achievement Test sa tulong ng panonood ng Knowledge Channel.

“Dahil nakitang mas gumaling ang mga batang mag-aaral dahil sa programa ng Knowledge Channel, patuloy naming susuportahan ito,” pahayag ni Ventosa.

Plano ng SKY na mag-donate pa ng mas maraming SKYdirect kits sa mga paaralan sa buong bansa.

Simula noong 1999, ang Knowledge Channel Foundation ang natatanging non-profit na organisasyon sa Pilipinas na nagbibigay ng curriculum-based, “multimedia educational resources” at propesyonal na training ng mga guro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa nakalipas na 16 na taon, nakilala ito sa paghahatid ng edukasyon sa mas masaya at malikhaing paraan sa kabataang Pilipino.

Dahil sa SKYdirect, mas marami ang magkakaroon ng mas mataas na antas ng edukasyon. Ang SKY Cable Corporation ay bahagi ng nangungunang media at entertainment na organisasyon ng ABS-CBN Corporation.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending