Gov't exec nilaglag ng kanyang boss | Bandera

Gov’t exec nilaglag ng kanyang boss

Bella Cariaso - June 16, 2019 - 12:18 AM

DA who ang isang government executive na nilaglag ng kanyang boss matapos namang maharap sa alegasyon ng katiwalian?

Kilalang tao ng boss ang naturang government executive.

Nitong mga nakaraang araw, kapwa nasangkot sa kontrobersiya ang boss at government executive.

Kilalang malapit sa isa’t isa ang dalawang opisyal ng gobyerno at nagsisilbi pang “attack dog” ng boss ang naturang opisyal.

Iniimbestigahan ngayon ang government official dahil sa pinasok na kontrata sa ilalim ng kanyang liderato.

Nabaling ang atensyon sa government official matapos namang banatan ang isang personalidad na kilalang malapit din sa kanyang boss.

Ang ending, imbes na kampihan ng kanyang boss, dumistansiya na sa kanya.

Hindi na rin nakakagulat kung masibak ang opisyal sa kanyang posisyon lalo pa’t nahaharap sa katiwalian ang government executive.

Gusto nyo ba ng clue kung sino ang dalawang opisyal na tinutukoy?

Laging nasasangkot noon ang ahensiyang pinamumunuan ng boss dahil naman sa kaliwa’t kanang kapalpakan.

Nitong nakaraang araw, biglang dinawit ang nasabing boss sa isang kontrobersiya.

Samantala, naging isyu naman sa government executive ang pagkakasangkot sa mga junket.

Dati nang kinuwestiyon ng mga empleyado ang kanyang mga out-of-town trips.

Kilala rin ang government executive na mahilig magbiyahe sa ibang bansa sa kabila ng kautusan ng Malacanang laban sa mga foreign travels.

Ngayong tila hindi na maganda ang relasyon ng dalawang mag-boss asahan, wag nang magulat kung may mag-iiwanan sa ere.

Isa pang clue, kilalang malakas ang boss dahil sa malakas ang kapit nito at balitang ililipat na siya ng katungkulan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gets nyo na ba ang tinutukoy ko?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending