‘Gold Squad’ ng Kadenang Ginto tatagal hanggang 2020
ISA si Kyle Echarri sa mga alaga ngayon ng Cornerstone Talent Management ni Erickson Raymundo na member na rin ngayon ng Star Magic Circle 2019.
Sobrang saya ngayon ng bagets nang malaman nilang extended ang seryeng Kadenang Ginto hanggang 2020 dahil sa taas ng ratings nito at sa dami ng commercial.
“Hindi lang po ako pero ‘yung buong cast, buong management, buong team, sobrang happy. Hindi po namin inakala na magiging ganito po kalaki ang Kadenang Ginto and we’re very, very grateful. And ngayon po, may Gold Squad pa kami,” say ng binatilyo sa ginanap na thanksgiving presscon ng Kadenang Ginto.
Oo nga, trending araw-araw ang KG sa social media at laging bukambibig ng mga nakaka-chat namin sa ibang bansa at pati ang kaanak naming bagong dating ay ang serye pa rin ang ikinukuwento.
Ang daming nag-aabang sa bangayan nina Dimples Romana at Beauty Gonzales sa programa, isama pa ang tarayan nina Francine Diaz at Andrea Brillantes. At siyempre, inaabangan din ng viewers kung sino talaga ang nang-rape kay Romina (Beauty).
Trending din ang Gold Squad nina Kylie, Seth Fedelin, Francine at Andrea kaya naman sila ang isa sa nire-request parati sa mall shows tulad sa ginanap na show kahapon sa Ayala Mall Cloverleaf, Balintawak.
In fairness click ang tambalang Andrea at Seth maski na si Kylie naman ang tila may gusto sa dalagita.
Anyway, kasama si nga Kyle sa bagong batch ng Star Magic Circle na ipinakilala kamakailan sa entertainment media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.