Fans ni Bianca biglang nahati: Team Miguel vs Team Migo | Bandera

Fans ni Bianca biglang nahati: Team Miguel vs Team Migo

Ervin Santiago |May 28,2019
facebook
share this

Fans ni Bianca biglang nahati: Team Miguel vs Team Migo

Ervin Santiago - May 28, 2019 - 01:25 AM

MIGUEL TANFELIX, BIANCA UMALI AT MIGO ADECER

HINDI lang puso ni Sahaya (Bianca Umali) ang nalilito dahil maging ang mga tagasubaybay ng GMA epic-drama serye na Sahaya ay naguguluhan din kung sino nga ba kina Ahmad (Miguel Tanfelix) o Jordan (Migo Adecer) ang nababagay sa dalaga.

Bago kasi lumuwas ng Maynila itong si Sahaya, mukhang buo na ang loob niya na tanging si Ahmad lamang ang kanyang iibigin subalit nang makilala ang taga-syudad na si Jordan ay mukhang nagulo ang isip ng dalaga.

Sey ng mga #TeamJordan, ang binata raw ang naging daan para maging maayos ang buhay ni Sahaya kung kaya’t nararapat lamang na siya ang maging boyfriend ng dalaga.

Sabi naman ng #TeamAhmad, kahit na mahirap ang binata, malaki na rin daw ang isinakripisyo nito para rin sa kabutihan ni Sahaya. Ilang beses na raw itinaya ni Ahmad ang kanyang buhay para lang mahanap at mailigtas ang babaeng pinakamamahal.

At sa pagpapatuloy ng kuwento ng Sahaya, tutukan kung kanino nga ba mapupunta ang puso ng Badjaw Girl na si Sahaya at kung anu-ano pa ang kayawang gawin nina Ahmad at Jordan para mapatunayan ang kanilang malinis na hangarin sa dalaga.

Dapat n’yo ring abangan ang mga susunod na ganap sa buhay ng nanay ni Sahaya na si Manisan (Mylene Dizon) ngayong nagkrus uli ang landas nila ni Harold (Zoren Legaspi). Umubra kaya sila sa malditang si Irene (Ana Roces).

Napapanood pa rin sa GMA Telebabad ang Sahaya after Kara Mia sa direksyon ni Zig Dulay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending