Isa laban sa lahat: Jimmy Bondoc sunog na sunog, bugbog-sarado sa mga taga-ABS-CBN | Bandera

Isa laban sa lahat: Jimmy Bondoc sunog na sunog, bugbog-sarado sa mga taga-ABS-CBN

Cristy Fermin - May 26, 2019 - 12:35 AM

JIMMY BONDOC

Parang ‘yung dating isinisigaw ni Regine Velasquez sa The Clash ang nagaganap ngayon sa daldakinang si Jimmy Bondoc—isa laban sa lahat!

Dahil sa kung anu-anong rebelasyong isinapubliko ng one-hit-wonder na singer ay binulabog niya ang kamalayan ng mga artistang nagtatrabaho sa ABS-CBN.

Sabik na sabik na pala siyang masaksihan ang pagsasarado ng network, ha, ano tuloy ang nahita niya?

Halos lahat ng mga personalidad na nagtatrabaho sa higanteng network na tinutukoy niya ay sumagot sa kanyang mga akusasyon sa Dos. May direkta, may patagilid, pero sunog na sunog si Jimmy Bondoc!

Kumbaga sa labanan ay pinupog siya, pinagtulung-tulungan, kaya ano ang magiging laban ng may kaangasang singer na ito?

Siguradong kahit pa sinasabi ni Jimmy na wala siyang pakialam sa kahihinatnan ng kanyang mga rebelasyon ay umaaray siya ngayon. At hindi lang aray! Lumalatay ang mga salitang ipinatutungkol sa kanya ng mga personalidad na gusto niyang mawalan ng trabaho.

Aba nga naman, kabuhayan showcase na nila ang pinanghihimasukan ng singer, hindi sila makapapayag na isang Jimmy Bondoc lang ang haharang sa kanilang mga pangarap, lalo na sa kanilang mga personal na interes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending