Awra Briguela napaiyak: Ang hirap pong mawala sa Ang Probinsyano | Bandera

Awra Briguela napaiyak: Ang hirap pong mawala sa Ang Probinsyano

Bandera - May 25, 2019 - 12:25 AM

AWRA BRIGUELA AT COCO MARTIN

NAIYAK ang Kapamilya tween star na si Awra Briguela habang nagkukuwento tungkol sa pagkakatanggal sa kanya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

“Ang hirap talaga na mawala sa Ang Probinsyano,” ang pag-amin ni Awra nang mag-guest sa nakaraang episode ng Magandang Buhay.

Tatlong taon ding naging bahagi ng Ang Probinsyano ni Coco Martin si Awra bilang si Makmak. Aniya, hindi niya ipinakita at ipinaramdam sa mga katrabaho niya ang matinding lungkot nang pinatay na ang karakter niya sa FPJAP.

“Nahihiya akong umiyak sa harap nila,” aniya. Nagkataon pa na birthday niya noong mag-last taping day siya sa serye (March 26).

“Nu’ng time na kinuhaan na binaril ako ay umiyak po ako noon. Kasi nasanay po ako na habang lumalaki sa industriya, tumatagal, sila po yung laging nag-a-advise sa akin palagi.

“Tapos kapag may nagiging problema ako, isa rin po sila sa tumutulong na i-solve ang problema ko,” emosyonal na pahayag pa ng komedyanteng bagets.

“Noong time kasi na pumasok ako sa Probinsyano, first day ko po ay birthday ko po, March 26 (2016).

Noong last day ko po roon ay birthday ko rin po, March 26.

“So parang sakto 3 years po. Nung time na kinuhaan ako sa loob ng kabaong, nu’ng time na kinuhaan ‘yon birthday ko po at inere rin po,” aniya pa.

Inamin din ni Awra na miss na miss na niya ang kanyang mga kapamilya sa serye lalo na ang kanyang Kuya Coco at hinahanap-hanap pa rin niya ang pagte-taping.

“Parang nakakalungkot po kasi parang nakasanayan ko na yung araw-araw kong kasama sa taping tapos hindi ko na sila masyadong makikita, parang sa ibang project na,” chika pa ni Awra.

In fairness, talaga namang naging malaking bahagi sa kanyang career ang serye ni Coco dahil bukod sa kanyang kinita rito, nanalo rin siya ng dalawang Best Child Performer awards mula sa Star Awards for TV (2016) at 3rd Aral Parangal Awards (2017).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending