'Hayop talaga si Arjo Atayde! Ibang klase!' | Bandera

‘Hayop talaga si Arjo Atayde! Ibang klase!’

Cristy Fermin |May 22,2019
facebook
share this

‘Hayop talaga si Arjo Atayde! Ibang klase!’

Cristy Fermin - May 22, 2019 - 12:45 AM

ARJO ATAYDE

Hayup ‘yung Arjo Atayde sa pinakahuling episode ng pinanood naming The General’s Daughter! Napaka-consistent niya sa kanyang karakter bilang si Elai na espesyal na anak ni Aling Sabel na ginagampanan naman ng Diamond Star na si Maricel Soriano.

Sa galaw ng kanyang mga mata, sa porma ng kanyang mga daliri, sa kahit anong anggulo ng pagiging special ay hinding-hindi naliligaw sa pagganap si Arjo Atayde.

Sa isang eksena habang magkakaharap sila nina Angel Locsin, Eula Valdez, Albert Martinez at Mariel Soriano ay ninakaw nang buung-buo ng magaling na aktor ang atensiyon ng publiko.

Sumaludo siya kay Albert na gumaganap bilang general. Bingkuwang ang kanyang mga daliri habang nakapuwesto sa gilid ng kanyang kanang kilay.

Tanong ni Maricel, “Elai, bakit ka gumaganyan?” Ang sagot ni Arjo sa boses at pag-arteng kanyang-kanya lang, “Saludo ako kay general.”

At hindi niya ibinaba ang kanyang kanang kamay sa pagsaludo hanggang hindi siya sinasagot ng pagsaludo rin ni Albert. Nakatirik pa ang kanyang mga mata sa eksenang ‘yun.

Ibang klase talaga si Arjo Atayde, napakagaling niya, dapat lamang siyang ipagmalaki ng kanyang inang si Sylvia Sanchez na tulad niya ay angat ang husay sa pag-arte.

Si Arjo Atayde ang isa sa mga dahilan kung bakit hinahabol namin ang serye kahit pa sala-salabit ang trapik. Kailangan naming masaksihan ang mga bago niyang eksena.

Sa totoo lang!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending