Tatay ni Toni nanganib ang buhay dahil sa politika: Ang mahalaga po buhay siya
STILL on politics, tanggap na ni Toni Gonzaga sa pagkatalo ng daddy niya na si Carlito “Bonoy” Gonzaga sa mayoral race ng Taytay, Rizal sa katatapos na halalan.
“Yes, prepared kami sa outcome from the very start. Prepared na ang family namin and Dad did his best. He fought a good fight. He fought clean, that’s more important and what I’m really thankful for after this whole campaign was that he is alive, and that he was safe.
“That’s what we are thankful for, after all what he has been through and what we have witness throughout the whole campaign. The only thing that we are grateful for is that my dad is still alive and he’s still with us and he is happy with his family,” aniya pa.
Tinanong namin si Toni kung nakatanggap ng death threat ang Daddy niya during the election.
“I don’t wanna go into details about the whole situation that happened. But what I really want to say is that I’m thanklful and grateful sa love and support na nakita namin,” lahad pa ni Toni.
Reading between the lines, posibleng nagkaroon ng pagbabanta sa buhay ng Daddy ni Toni during the election. Mabuti na lang talaga at ligtas ang tatay niya.
Samantala, biniro namin si Toni kung ano ang feeling katrabaho niya muli ang mga “ex” niya na sina Vhong Navarro at Luis Manzano sa Home Sweetie Home Extra Sweet.
“Wala akong ex in the first place,” ngiti ni Toni. “Hindi, wala akong ex dito. Si Vhong ten years ago na nu’ng last time na nag-work kami together, sa movie namin na ‘My Only You’, walang ex-ex,” sagot ng misis ni Direk Paul Soriano.
Sa pagkaakalam namin nanligaw din si Luis kay Toni noon. Pero hindi niya ito sinagot, “Si Luis naman parang ano, sanay na ako na nandiyan siya sa buhay ko kasi sobrang close nila ng kapatid ko. Sobrang lakas nila mag-asaran parang Tom and Jerry. So, sanay na ako nakikita sila na nagbabangayan sa tabi ko,” pahayag pa ni Toni.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.