Rabin Angeles pang-leading man; naranasan ding mag-P2P

Rabin Angeles pang-leading man ang awrahan; naranasan ding mag-P2P

Ervin Santiago - April 14, 2025 - 07:00 AM

Rabin Angeles pang-leading man ang awrahan; naranasan ding mag-P2P

Rabin Angeles kasama ang mga fans

IN FAIRNESS, pang-leading man at pang-matinee idol talaga ang awrahan ng Viva Artists Agency (VAA) talent na si Rabin Angeles.

Nakilala at sumikat nang bonggang-bongga ang binata sa phenomenal hit Viva One series na “Mutya ng Section E” kung saan kasama niya sina Andres Muhlach at Ashtine Olviga.

Bukod sa nasabing online series, napanood din si Rabin sa pelikulang “Penduko”, “The Ship Show” at “Baby Boy, Baby Girl”, lahat ay produced ng Viva Films.

Dahil sa tinatamong kasikatan ngayon, siya ang napiling first Filipino celebrity endorser ng international South Korean skincare brand na The Lab by Blanc Doux.

Distributed by Viva Beauty, the Viva Group of Companies’ venture into the beauty industry, The Lab by Blanc Doux, founded by Aaron Kyung, has been heavily endorsed by huge K-Pop idols tulad na lang ng Seventeen, Lovelyz, at BTOB.

Bukod dito, nakatakda na ring ilabas sa market ang isa pang collaboration niya with Viva Beauty’s fragrance line — ang Bin Perfume. Magkakaroon ito ng bonggang launch sa April 23 via a live selling on TikTok.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rabin Josh (@rabinangeles_)


They can also get a preview of Rabin’s fragrance line before the start of Section E Nation, the ultimate fan meet-and-greet show kasama ang cast ng “Ang Mutya ng Section E” sa May 1 at May 2.

Samantala, nang dahil sa bagong endorsement ni Rabin, isang brand-new SUV ang kanyang natanggap bilang bahagi ng kanyang talent fee.

Sa mediacon na ibinigay ng VAA sa binata para sa naturang projects,  naikuwento ni Rabin na noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz ay nagko-commute lang siya.

Sumasakay daw siya sa Point-to-Point bus o P2P kapag nagtutungo siya sa Maynila mula sa Angeles City, Pampanga.

“Dati po nu’ng nagwo-workshop pa ako, from Pampanga, ang workshop ko po noon, mga 10 a.m. sa Ortigas, Pasig City. Bibiyahe po ako, mga 7 a.m.., aalis na po ako. Magpi-P2P ako papunta sa Trinoma, then sasakay ako ng MRT.

“Bababa akong Shaw Boulevard, tapos maglalakad lang po ako papunta sa Tektite (kung nasaan ang opisina ng Viva). Wala po akong pamasahe noon, e,” ang rebelasyon ng aktor na talaga namang Oppang-oppa ang datingan.

Patuloy ni Rabin, “Hindi ko pa po nata-try ulit (sumakay ng P2P) pero palagi po akong naglalakad kapag malapit lang kasi hindi pa po ako talaga marunong mag-drive. Yung brother ko po ang nagda-drive.”

Sa ngayon ay unti-unti na siyang natututong mag-drive matapos mag-aral sa driving school, “Marunong na rin naman po ako (mag-drive). Hinihintay ko lang yung license. Student pa lang po kasi kaya hindi pa po ako nagda-drive.

“Bago mag-start yung series (Section E) parang nag-aaral na po akong mag-drive. Tinuturuan na ako ni Kuya kasi required po akong mag-drive (sa serye nila).

“Na-try ko nang mag-drive sa subdivision lang, yung mga wala pang sasakyan masyado,” ani Rabin.

Ito naman ang mensahe ng binata sa mga taong patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa kanya, “Unang-una po, nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumusuporta sa akin.

“Hanggang ngayon, hindi po ako naniniwala na ang dami na. Parang kailan lang po, dumadaan talaga ako sa likod. Ganoon lang po lagi ang role ko dati na parang talent na laging nasa likod lang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Tapos ngayon, nabigyan ako ng break ng Mutya ng Section E kaya ngayon super thankful ako saka nagpapasalamat lang po ako sa Diyos palagi,” pahayag pa ni Rabin Angeles.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending