Sanya Lopez sa paglipad bilang Darna: Wala pong imposible... | Bandera

Sanya Lopez sa paglipad bilang Darna: Wala pong imposible…

Ervin Santiago - May 21, 2019 - 12:03 AM

SANYA LOPEZ

GORABELS ang Kapuso sexy actress na si Sanya Lopez sakaling payagan siya ng GMA 7 na mag-audition para sa “Darna” ng Star Cinema.

Isa si Sanya sa mga ibinoto ng netizens na perfect daw gumanap sa muling paglipad sa big screen ng iconic Pinay superhero.

“For me po, nakakatuwa na kinu-consider nila ako as Darna kasi hindi naman basta Darna lang si Darna. She’s an icon and sobrang strong ng personality and an empowered woman. Sabi ko nga po, kapag kinonsider ka nang ganito, nakakatuwa po talaga,” pahaya ng Kapuso star.

Pero feeling ba niya imposibleng mapunta sa kanya ang role dahil taga-GMA siya? “Sabi naman po nila, di ba? Walang imposible. Pero ang sa akin naman po, parang, kumalat po yung audition, sabi ko po sa kanila, basta merong ibinigay na invitation sa GMA for audition, why not po? Basta pumayag po ang GMA.”

Sa ngayon daw ay wala pa naman siyang natatanggap ng imbitasyon para mag-audition? “Hindi ko po alam, wala pa pong sinasabi ang GMA. Well, basta ako naman po, okay lang, e.

“Sabi ko nga po, hindi ko na po iniisip kung sinuman yung gaganap na Darna. Kung sinuman, basta ang importante po sa akin, yung mas mabibigyan niya ng justice o mas mapaghahandaan niya yung character ni Darna o yung role ni Darna, kasi she’s an icon. Lalo na sa ating mga Pinoy, Pinay.”

Samantala, nagsimula na kahapon ang bagong afternoon serye ni Sanya sa GMA, ang Dahil Sa Pag-ibig kung saan makakasama niya sina Benjamin Alves, Pancho Magno at Winwyn Marquez.

Bukod sa madadramang tagpo, abangan din ang mga love scenes niya with Banjamin and Pancho. Mas matitindi raw ang ginawa niyang intimate scenes dito kesa sa mga nakaraang niyang serye.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending