Sandata ni Coco laban sa mga kaaway: Dasal lang po | Bandera

Sandata ni Coco laban sa mga kaaway: Dasal lang po

Julie Bonifacio - May 06, 2019 - 12:30 AM


SPEAKING of Coco, marami pa rin ang nahihiwagaan kung sino ang tinutukoy ng aktor sa kanyang mga mensahe sa social media. Gaya na lang recently, muling nag-post sa Instagram si Coco. Aniya, he’s too old to worry about who likes him and who dislikes him. Maraming importanteng bagay pa raw siyang dapat gawin.

Karugtong pa ng post ni Coco, “If you love me, I love you. If you support me, I support you. If you hate me, I don’t care. Life goes on with or without you.” Para kay Coco, dasal lang daw ang katapat ng lahat.

Agree naman kami kay Coco diyan tungkol sa dasal at mas marami pang importanteng bagay na dapat siyang gawin. Una na ang magbigay saya sa mga sumusubaybay sa action-serye niya na Probinsyano.

Busy na rin si Coco sa pagsama sa mga activities ng reelectionist na si Sen. Grace Poe. Buong araw na sinamahan ni Coco ang senadora sa pag-ikot sa Cavite at Laguna last week.

Sobrang saya with matching hiyawan pa ang mga taga-Dasmarinas, Cavite nu’ng salubungin nila si Coco at Sen. Grace sa simula pa lang ng motorcade nila. Si-nuyod nila ang mga barangay at dinaanan ang mataong pamilihang-bayan kasama ang anak ng senadora na si Brian Llamanzares Poe.

Nauna nang nagpahayag ng suporta noong nakaraang buwan si Coco kay Poe sa Cebu kung saan tinawag niya ang senadorang kanyang Ate Grace.

During the rally, itinulak din ni Sen. Grace Poe ang kanyang mga adbokasiya. Dahil pala sa batas na naipasa niya sa Senado, sa nalalapit na pasukan ay libre na ang pananghalian ng mga batang kulang ang timbang at kulang sa nutrisyon sa public elementary schools, day care center at kindergarten.

Nagtapos ang kanilang araw bandang alas-5 ng hapon sa pag-iikot sa iMall Canlubang, nakipagkamayan sila sa mga mamimili roon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending