Drama actor utang nang utang para makapagsugal
IBANG klase talaga ang taginting ng salapi. Sabi nga, kapag pera na ang nagsalita, halos lahat ay nakikinig.
Bumibida ngayon sa ganu’ng kuwento ang isang may edad nang male personality na sumikat nu’n pero inalat ang karera.
Nang bumagsak ang kanyang career ay kung kani-kanino siya lumalapit para matustusan ang buhay ng kanyang pamilya. Kahit mga taong bago lang niyang nakikilala ay inuutangan na niya.
Kuwento ng aming source, “Nakapagpapakapal nga pala ng mukha ang matinding pangangailangan. Kapag pala gipit na gipit na ang tao, e, hindi na niya kilala ang kahihiyan!
“’Yung male personality na ’yun, kakikilala pa lang niya sa tao, e, nakakapangutang na siya agad!
“Ibang klase siya, hindi man lang muna niya pinatatagal ang pagkakaibigan nila, utang na agad!” madiing chika ng aming impormante.
May isang negosyanteng ipinakilala sa male personality, alam nito ang mga pelikulang ginawa niya, naisip agad ng lalaking personalidad na dahil paborito pala siya ng pamilya ng businessman ay madali niya lang itong mauutangan.
Balik-chika ng aming source, “At ’yun nga mismo ang nangyari! Napakabilis niyang nautangan ‘yung negosyanteng kakikilala pa lang niya! Madrama siya, kung anu-anong dahilan ang sinabi niya, naawa naman sa kanya ang batambatang businessman, kaya agad siyang pinautang!
“Hindi na ’yun kataka-taka, magaling naman kasi sa drama ang male personality, du’n naman siya nakilala, di ba? Nakakaloka lang, nabuking nu’ng businessman na ipinangsusugal lang naman pala niya ang datung na inuutang niya kung kani-kanino!” napapailing na kuwento ng aming source.
Maayos na ang buhay ngayon ng male personality, may kinaibigan siyang pulitikong sinasamahan niya sa kampanya, hindi na siya nangungutang ngayon dahil marami na siyang raket.
“Nakakaloka siya, ha? ’Yung mga taong pinakinabangan niya nu’ng walang-wala siya, e, ni hindi man lang niya naaalala ngayon! Ni kumustahin, e, hindi niya magawa!
“May amnesia ang male personality na ‘yun na madatung na ngayon. Pero sabi nga ng isang kaibigan niya, lahat ng meron siya ngayon, e, mawawala rin kapag hindi siya tumigil sa kasusugal!
“Naku, male personality na kapangalan ng isang brand ng yosi, matuto ka naman sanang lumingon at magpasalamat sa mga taong inabala mo nu’n!” pagtatapos ng aming impormante.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, yosi ang pangalan niya, ha? Napakadaling hulaan kung sino siya!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.