SUMUSUMPANG hindi na ulit kukunin ng baguhang producer ang isang kilalang singer dahil sa sobrang laki ng talent fee nito bukod pa sa rami ng demands dahil sa sangkaterba niyang kasama.
Presyong-ayaw ang ibinigay na talent fee ng kilalang singer sa baguhang producer dahil bukod sa hindi niya kilala ay baka hindi rin niya feel mag-show sa nabanggit na lugar.
Pero kinagat ng producer ang talent fee ng kilalang singer at kaagad na nagbigay ng down payment kaya walang magawa ang huli kundi mag-show.
Hindi pa roon nagtapos ang kalbaryo ng baguhang producer dahil bukod sa mahal na talent fee ay marami ring hiningi ang singer at mga kasama nito.
Nang mag-perform na ang kilalang singer ay marami naman ang humanga at pumalakpak sa kanya dahil in fairness ay sikat ang mga kanta niya at talagang kinakanta ng lahat.
Sa mahigit na isang oras at kalahating performance ng kilalang singer ay marami ang nainip kaya sa last four songs niya ay lampas sa kalahati na lang ng audience ang natira dahil nag-alisan na ang karamihan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.