Amy Perez pinipilit ding sumabak sa politika: No! Masaya ang buhay natin!
MATAGAL na palang kinukumbinsi at pinipilit ang TV-radio host na si Amy Perez ng ilang political groups na sumabak na rin sa mundo ng politika.
May mga kumausap daw sa kanya noon na tumakbo sa pagkakonsehal pero palaging “NO” ang kanyang sagot dahil feeling niya hindi talaga siya para sa politics
Nakachikahan ng ilang piling members ng entertainment media si Amy sa pa- thanksgiving ng Radyo 630/TeleRadyo Serbisyo at isa nga sa mga naitanong sa kanya kung nagbalak din ba siya na maging public servant.
Inamin ni Tyang Amy na panahon pa lang daw ng noontime show nila sa ABS-CBN na “MTB” (Magandang Tanghali Bayan) ay may natatanggap na siyang mga offer na tumakbo.
Baka Bet Mo: Amy Perez nasaktan nang magdesisyon ang anak na magsolo na sa buhay: ‘Kasi for the longest time, kami yung magkasama’
“It’s a no. Masaya ang buhay natin. Ayoko ng complication. Pwede naman tayong tumulong kahit wala tayo sa posisyon,” sagot ni Amy.
Samantala, sa pagbabalik ni Tyang Amy sa mundo ng radyo ay magkahalong lungkot at saya ang kanyang nararamdaman, pati na rin ang isa pang anchor ng Radyo 630 na si Winnie Cordero.
Nawala sila pansamantala sa radyo nang mag-shutdown ang ABS-CBN dahil hindi na nabigyan ng prangkisa ang network.
View this post on Instagram
“Masaya na mayroon ding pressure. Na nasa balikat naming lahat na nasa DWPM (Radyo 630) dahil siyempre, alam naman natin na hindi pa tuluyang nakakaahon ang programa, ang istasyon.
“So, alam namin na sundalo kami na sumusunod at ginagawa ang trabaho namin para sa ikauunlad ng lahat ng nasa DWPM.
“So, masaya dahil nakikita pa rin namin ‘yung mga dati naming katrabaho and at the same time, malungkot kasi alam naming nabawasan kami pero nandito pa rin kami, lumalaban. Sabi nga sa Korea, ‘fighting!’” ani Tyang Amy.
“So ‘yun ‘yung pakiramdam namin sa araw-araw. Na hindi namin nakakalimutan ‘yung mga taong una naming nakasama sa DZMM na ngayon ay hindi na namin kasama. Marami kaming natutunan sa kanila,” dugtong niya.
Sabi naman ni Tita Winnie, “Personally, nahirapan akong mag-adjust. Kasi, 1997 to 2021, hindi ba? DZMM forever. Actually, hanggang ngayon, I’m still hoping that the old DZMM will come back but then…dispersed na kami.
“We still remember the past that put smiles on our faces all the time. Pero siyempre, katulad ng usad ng panahon eh thankful kami na kami’y narito pa, kami’y napili kasi hindi lahat napili.
“Sobrang grateful kami ni Amy doon at maipagpatuloy ‘yung mga nasimulan ng mga kasamahan namin noong araw pa,” paliwanag ni Winnie na maluha-luha habang nagsasalita.
Napapanood at napapakinggan si Amy sa programang “Ako ‘To, Si Tyang Amy” na isang public service program about mental health, tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 3 p.m..
Si Tita Winnie naman ay may dalawang programa sa DWPM, ang “Tatak Serbisyo” na isang public service program at umeere mula Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. at “Win Today” every Saturday, 10 a.m..
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.