Amy Perez relate much sa isyu ng cheating: Nangyari yan sa ‘kin!
RELATE much ang TV-radio host na si Amy Perez sa mga taong problemado dahil sa kanilang partner na cheater.
Inalala ni Tyang Amy ang ginawang panloloko sa kanya ng dating asawang si Brix Ferraris, ang former frontman ng grupong South Border.
Taong 1995 nang magpakasal ang actress-TV host kay Brix hanggang sa maghiwalay ilang taon lamang ang nakalipas. Na-annul naman ang kanilang kasal after nine years.
Sa naganap na thanksgiving-presscon ng DWPM RADYO 630, sa Seda Hotel sa Trinoma Complex, Quezon City, nakipagchikahan sa members ng media si Tyang Amy kasama si Tita Winnie Cordero.
Pareho silang may programa sa naturang Teleradyo station, “Ako ‘To, Si Tyang Amy” ang title ng show ng host ng “It’s Showtime” na nakatutok sa mental health issues, 3 p.m., mula Lunes hanggang Biyernes.
Si Tita Winnie naman ay may dalawang programa sa DWPM, ang “Tatak Serbisyo” na isang public service program, Lunes hanggang Biyernes, 10:30 a.m. at “Win Today” every Saturday at 10 a.m..
View this post on Instagram
Sa isang bahagi ng presscon ay natanong si Amy kung ang mga ibinibigay niyang payo sa kanyang listeners ay base sa kanyang personal na karanasan.
“Marami na kaming pinagdaanan sa buhay. So, yung mga pinagdaanan namin na iyon ang siyang baon namin every single day.
“Kapag ako ang nagbibigay ng advice sa mga listeners, hindi ko naman dinidikdik sa kanila, ‘O, eto ang gawin mo because this is how I did it before.’
“So, alam ko na hindi siya one size fits all. At the end of the day, I will give you options. Kung ikaw ay aking listener, bibigyan kita ng option nu’ng nangyari yan sa akin,” lahad ng TV host at radio anchor.
“Kunyari, kung ang pinag-uusapan ay nag-cheat ang asawa, ‘Eto yung ginawa ko. Nangyari yan sa akin,'” ang natawang sey pa ni Tyang Amy.
Nabanggit din niya na ilan sa mga advice na ibinabahagi niya sa kanyang listeners and viewers ay ina-apply din niya sa sarili.
Siniguro naman niya na, “I’m happy with my second husband. In fact, we’re celebrating our 10th wedding anniversary.” Ang tinutukoy ni Tyang Amy ay si Carlo Castillo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.