DEAR Ateng Beth,
Matagal na ako namamasukan bilang kasambahay. Ito lang ang kaya kong trabaho.
May anim na taon na ako rito sa amo ko. Mababait naman po sila, wala akong problema sa kanila hanggang sa dumating po ang nanay ng amo kong babae.
Masyado po itong palautos. At kung pagalitan ako ay ganoon na lamang.
Di ko po ito naranasan sa mga totoo kong amo. Lahat ng mali ay nakikita niya at parang ayaw niya akong nakikitang nagpapahinga.
Kinausap ko na po ang amo kong babae. Ang sabi lang niya unawain ko na lang at matanda na. Ang kaso po ay talagang parang ang init-init ng ulo niya sa akin.
Gusto ko na sana magpaalam sa kanila, kaya lang napamahal na rin sila sa akin. At ayaw kong magpalipat-lipat ng amo. Ano ba sa tingin mo ang dapat kong gawin?
Josie, Marikina City
Josie girl, hello sa iyo.
Unang-una, naniniwala ako na hindi lang ‘yan ang kaya mong gawin.
Hindi ko hinahamak ang trabaho mo ngayon. In fact, saludo ako sa mga kagaya mo. Pero di dapat matigil mangarap at magsumikap para hindi lang ‘yan ang kaya mong gawin.
Mag-aral ka ng ibang skills para dagdag kaalaman at kabuhayan.
Hindi naman masama na maging kasambahay pero kung kaya mo namang linangin at paangatin ang buhay, why not di ba?
Ngayon, tungkol sa problema mo, sabi mo nga six years ka na diyan at sa buong panahon naman maayos ang buhay mo. So ‘yung pagdating ng nanay ng amo mo, parte lang ng pagtatrabaho at paglilingkod mo.
Di naman laging maganda at mabait ang amo, di ba? Sa mga ganitong panahon, matututo tayong makisama at makibagay.
Yamang kasambahay ka, wala ka talagang kapangyarihan na mamili ng ugali ng amo at lalong walang say sa kung sino ang papakisamahan lalo’t nanay iyan ng nagpapasweldo sa ‘yo
On the other hand, bakit hindi mo amu- amuhin si mudrakels?
Alam mo ‘yun, ipagtimpla mo sya ng gatas o kape o juice o ipaghalo ng semento. Hehehe, joke lang!
Alam mo ‘yung matatanda, siyempre old school ang takbo ng utak nyan, pero madali naman silang utuin, este, amin…maki
pagkwentuhan ka tungkol sa paborito niyang telenovela, magtanong ka paano lutuin ang iba’t ibang putahe kahit pa alam mo na, mag offer kang tulungan siya o kunsultahin siya sa ibang bagay, pagplanuhan ninyong patayin si Cardo para matapos na Ang Probinsyano, mga ganun bang “bonding” moments.
Yung para ka ring nakikisama sa lola o tiya mong masungit.
Hindi ‘yan madali syempre pero walang hindi napapalambot ng pag ibig at mabuting pakikisama.
Kapag napagtagumpayan mo ‘yan si mudra , pare-pareho kayong gagaan ang buhay!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.