Alden wais sa pera, siniguro na ang kinabukasan ng pamilya | Bandera

Alden wais sa pera, siniguro na ang kinabukasan ng pamilya

Cristy Fermin - April 30, 2019 - 12:20 AM

ALDEN RICHARDS

Sigurado na ang kinabukasan ni Alden Richards at ng kanyang pamilya dahil inilalagay ng Pambansang Bae sa tamang negosyo ang mga pinaghihirapan niya.

Milyunan ang halaga ng franchise ng McDonald’s pero pinagsikapan niyang magkaroon, alam ni Alden na walang kalugi-lugi ang ganu’ng klase ng food chain dito sa ating bansa.

Nu’ng nakaraang Biyernes ay nagbukas na ang kanyang food chain sa Biñan Highway, personal na inasikaso ng aktor ang kanilang mga kliyente, naturingan siyang may-ari pero kitang-kita ng mga kababayan natin kung paano niya pagmalasakitan ang kanyang negosyo.

Tumutulong siya sa kitchen, naglalampaso ng sahig, nagdadala ng mga pinagkainan sa hugasan at kung anu-ano pang mga detalyeng hindi na siya dapat ang gumagawa.

Pinakamalaking katuparan na nga siguro ng kanyang mga pangarap ang pagkakaroon ng sangay ng McDo. Bata pa lang si Alden ay malaking sorpresa na para sa kanya ang pagpunta sa food chain kasama ang kanyang pamilya.

Pagkatapos ngayon, dahil sa kanyang pagsisipag at pagsisikap ay meron na siyang franchise ng food chain, kami man si Alden Richards ay puro pasasalamat na lang sa Diyos ang aming mauusal.

Talagang pinagpala ang mga taong nasa itaas man ay kipkip pa rin ang pagpapakumbaba. ‘Yun si Alden Richards sa paglalarawan ng mga dati niyang nakakasama nu’ng mga panahong nangangarap pa lang siya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending