Alden nag-bartender sa HK; Kathryn nag-waitress ng 1 gabi
MARAMING natututunan ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa ginagawa niyang pelikula ngayon kasama si Kathryn Bernardo, ang “Hello Love Goodbye”.
Nitong Easter Sunday bumalik si Alden sa bansa mula sa Hong Kong kung saan nila kinukuhanan ang nasabing pelikula sa direksyon ni Cathy Garcia Molina.
Kuwento ng binata, puspusan ang kanilang trabaho sa HK, wala raw silang sinasayang na panahon doon at talagang na-challenge siya sa mga bagong katrabaho.
“Everyday you learn something new. Of course coming from new people, especially with the likes of Direk Cathy Garcia-Molina, mas nadadagdagan pa ang kaalaman ko sa pag-arte,” lahad ni Alden na bilib na bilib sa galing ni Kathryn bilang aktres.
Sa nasabing movie produced by Star Cinema, gaganap si Alden bilang isang OFW na bartender at waiter sa isang restaurant sa HK.
Aniya, para mas maging makatotohanan ang kanyang pagganap, talagang naglaan siya ng panahon para makilala ang mga Pinoy workers abroad, partikular na sa Hong Kong.
“It adds to the portrayal of the role. Noong una kaming dumating doon, kami ni Kat nag-immerse kami.
“Talagang nag-bartender kami at saka siya nag-waitress for a night sa isang bar. Kailangan mo talagang ramdamin kung ano ang pakiramdam to be like them,” sabi pa ni Alden.
Ngayon pa lang ay excited na ang mga fans nina Alden at Kathryn sa kanilang pelikula at naniniwala sila na magiging blockbuster ito dahil bagong putahe nga naman ang handog ng Star Cinema.
At nag-promise na ang mga KathNiel fans na 100% ang ibibigay nilang suporta sa “Hello Love Goodbye” kapag nag-showing na ito sa mga sinehan. At siguradong hindi rin pababayaan ng loyal AlDub fans si
Alden sa bago niyang pelikula kahit na hindi si Maine Mendoza ang katambal niya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.