Coco matagal nagtimpi sa mga tsismosa kaya sumabog na

By Cristy Fermin April 24,2019
share this

Coco matagal nagtimpi sa mga tsismosa kaya sumabog na

By Cristy Fermin April 24,2019
share this

COCO MARTIN

Sa unang pagkakataon ay naglabas ng kanyang matinding saloobin si Coco Martin. Bihirang mangyari ang ganito. Walang panahon sa mga intriga ang bida ng Ang Probinsyano.

Pero tama ang opinyon ng nakausap naming malapit na personalidad sa action star, matagal na ang kanyang pagtitimpi, ngayon lang sumambulat ang naiipon niyang sama ng loob.

Sabi ng aming source, “Kung paminsan-minsan lang siyang inuupakan, e, okey lang kay Coco, pero kapag sobra-sobra na, kaninong pasensiya naman ang hindi mapuputol?”

Matagal bago nagdesisyon si Coco na maglabas ng kanyang sama ng loob, pinag-isipan niya munang mabuti ang kanyang aksiyon, marami siyang binalanseng mga pangyayari bago siya tuluyang nagpakatotoo.

Komento uli ng aming kausap, “Mahaba ang pasensiya ni Coco, matagal na siyang hindi lang kumikibo kahit pa nababasa niya at nakararating sa kanya ang mga ginagawa nu’ng mga taong pinatatamaan niya.

“Pero ‘yun nga, may limitasyon din naman ang pang-unawa, paminsan-minsan, e, kailangan na rin niyang maglabas ng saloobin,” kuwento ng malapit kay Coco Martin.

Tama lang ‘yun. Napakaliit ng ating puso para magkarga ng galit. Kesa sa tayo pa mismo ang maapektuhan ng galit na kinikimkim ay mas magandang ilantad na.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending