Marian nanganak na, magpapadede ng baby ngayong Holy Week

By Jun Nardo April 18,2019
share this

Marian nanganak na, magpapadede ng baby ngayong Holy Week

By Jun Nardo April 18,2019
share this

MAG-AALAGA at magpapadede ng lalaking anak si Marian Rivera ngayong Mahal na Araw.

Nanganak si Yan nu’ng Martes Santo matapos mag-labor nang mahigit sampung oras. Kumalat agad sa social media ang panganganak sa second baby nila ni Dong na pinangalanan nilang Jose Sixto Dantes VI.

Siyempre bukod kay Marian, super excited na rin si Dong na mag-alaga sa baby boy nila. Promise ng Kapuso Primetime King magiging hands on daddy din siya sa kanilang second baby tulad ng ginawa niya kay Zia.

Samantala, ang ilang Kapuso artists na vacation mode ay ang lovers na sina Barbie Forteza at Jak Roberto. Nasa Japan ang dalawa at todo lafang ng Japanese food, huh!

Si Solenn Heussaff, sa Amerika maghu-Holy Week kasama ang asawang si Nico Bolzico, kapatid na si Erwan kasama ang wife niyang si Anne Curtis. Susulitin nila ang mahabang bakasyon para makapag-bonding with their respective families.

Pero kapag Lenten season ayon kay Solenn, “Usually I give up everything I love like meat, bacon, alcohol, sugar, lahat ng mga simple. I also try to reduce the time I spend with my phone.”

Ang mag-asawang Pancho Magno at Max Collins, nakatakdang maglipat ng bahay ngayong Semana Santa dahil ito ang araw na kapwa sila walang trabaho!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending