Miguel naranasan ang magtanim, magluto sa Laurel, Batangas | Bandera

Miguel naranasan ang magtanim, magluto sa Laurel, Batangas

Ervin Santiago - April 06, 2019 - 12:45 AM

NAGLUTO, nagtanim at nakipag-bonding si Miguel Tanfelix sa mga batang taga-Batangas para personal niyang ma-experience ang simple ngunit makabuluhang buhay ng mga kababayan nating Batangueño.

Nagpunta sa isang barangay sa Batangas ang lead star ng Kapuso primetime series na Sahaya para sa isang “immersion” na isinagawa ng World Vision. Ang WV ay isang global humanitarian organization na tumutulong sa mahihirap na komunidad sa mga probinsya.

Tuwang-tuwa si Miguel nang makilala at maka-bonding ang mga kabataan sa Bugaan West, Sitio Bignay, Laurel, Batangas na tinutulungan ng World Vision.

Personal ding na-experience ng ka-loveteam ni Bianca Umali sa seryeng Sahaya ang ilang livelihood programs na ibinibigay ng World Vision sa mga mahihirap na komunidad sa bansa tulad ng pagtatanim ng iba’t ibang gulay at prutas, paggawa ng mga juice at sauce o sawsawan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending