Kuya Escort sa nanay ni Vice: Humihingi po ako ng permiso, pwede po ba ako sa puso niya? | Bandera

Kuya Escort sa nanay ni Vice: Humihingi po ako ng permiso, pwede po ba ako sa puso niya?

Bandera |March 31,2019
facebook
share this

Kuya Escort sa nanay ni Vice: Humihingi po ako ng permiso, pwede po ba ako sa puso niya?

Bandera - March 31, 2019 - 01:15 AM

ION PEREZ AT VICE GANDA

NGAYONG gabi inaasahan ang pag-ere ng supposedly pag-amin nina Vice Ganda at Kuya Escort Ion Perez sa part 2 ng special episode ng Gandang Gabi Vice.

Marami ang nag-abang last Sunday sa GGV dahil inakala nilang ipalalabas na ang eksena kung saan inamin na raw ni Ion na totoong dyowa na niya si Vice. Pero bigo ang lahat ng nag-abang.

Sa nakaraang episode naman ng Showtime, mukhang nagpatikim na sina Vice at Ion sa kung anuman meron sila ngayon.

Nasa studio kasi that time ang nanay at kapatid ng Unkabogable Star kaya inulan ng tukso ang dalawa mula sa kanilang co-hosts.

Simulang hirit ni Mariel Padilla kina Ion at Vice during the “KapareWho” segment, “Ay! Meet the parents ba ngayon?”

Sey naman ni Karylle, “Uy! Umayos ka Ion!” Na sinegundahan naman ni Vice sabay tingin kay Ion, “Ay, nandiyan ‘yung kapatid ko, dalawa, tsaka ‘yung nanay ko. May gusto ka ba sabihin sa kanila?”

Ipinakita sa camera ang nanay at kapatid ng TV host-comedian na napapangiti lang sa panunukso kina Ion at Vice.

Narito naman ang dialogue ni Kuya Escort, “Ate, nanay…” pabiting sabi ng binata na umaming nahihiya raw siya.

Bigla namang natawa si Vice sa pagpapa-cute ni Ion at hindi sinasadyang nahampas niya ito sa mukha.
“Ay, sorry! Sorry! Sorry! Sorry!” ani Vice sabay halik sa pisngi ni Ion. Dito na nagpaalam ang binata sa family ni Vice, “Humihingi po ako ng permiso. Puwede ba ako sa puso niya?”

Biro namang sabi ni Vice kay Ion, “Sa laki mong ‘yan, hindi pumutok ‘yung puso ko?” Pero hirit naman ni Ion, seryoso ang sinabi niya na nasa puso niya si Vice.

Dito na umeksena si Vhong Navarro na nagsabing bakit hindi ang nanay ni Vice ang sumagot sa tanong ni Ion.

Kitang-kita na pinandilatan ni Vice si Vhong on national TV. Kaya sey ni Vhong, “Nakita ko, e. Akala ko malalaglag ‘yung mata, e.”

Kaya sa halip na i-push ang tanong ni Ion sa nanay ni Vice, tinanong na lang nila kung kailan ang alis nito papuntang Canada. Kasama kasi ito sa show ng anak sa darating na Mayo.

Huling hirit naman ni Vice, “Nalaman ng nanay ko na kasama si Ion sa Canada, tsaka si Jackque, sumama! Sisiguraduhin daw niya na si Ate Girl ang kasama ko sa eroplano!”

May mga naniniwalang magdyowa na sina Vice at Ion at tila kinukundisyon na nila ang isipan ng madlang pipol sa kanilang relasyon para wala ng gulat factor at mas madali nang matatanggap ng publiko na sila na.

At mukhang wala namang epek kina Vice at Ion ang mga pamba-bash sa kanila ng mga moralista, lalo na kay Ion na kung ilarawan ng ilang netizen ay user at pineperahan lang daw ang TV host-comedian.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, kumalat ang chika na may sarili na raw negosyo ngayon si Ion bukod pa sa bagong kotse at house and lot. At marami ang naniniwala na regalo raw ni Vice sa kanya ang lahat ng ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending