Rida Robes dating talent ng Regal, naging ka-close si Ate Vi sa kongreso

By Jun Nardo March 31,2019
share this

Rida Robes dating talent ng Regal, naging ka-close si Ate Vi sa kongreso

By Jun Nardo March 31,2019
share this

RIDA ROBES AT VILMA SANTOS

Speaking of Ate Rida Robes, dati pala siyang talent ng Regal Films noong namamayagpag pa ang tandem nina Joey de Leon at yumaong komedyante na si Rene Requiestas. Kung hindi siya nagkakamali nakagawa rin siya ng apat na pelikula sa Regal including “Starzan”.

Minsang nagkita sina Ate Rida at Mother Lily Monteverde sa isang okasyon na kapwa nila dinaluhan, buong ningning na ipinagmalaki ng Regal producer na talent niya si Rida noong dalaga pa ito.
Nang makachikahan namin ang kongresista, tinanong namin siya kung bakit hindi niya ipinagpatuloy ang kanyang showbiz career.

“Mas maraming magaganda sa akin noon! Ha! Ha! Ha!” rason ni Ate Rida.

Hindi naman siya nagsisisi at napunta siya sa politika. E, nang ma-elect siya sa kongreso, naging kachikahan niya si Cong. Vilma Santos-Recto.

“Idol na idol ko si Ate Vi. Very passionate siya sa kanyang position at dahil artista muna siya bago naging politician marami na siyang experience sa pakikitungo sa tao and very humble pa rin siya,” saad ni Ate Rida.

Kung congresswoman ang muli niyang tatakbuhin sa Mayo, ang asawa niyang si Arthur Robes naman ay mayor ng city ang target.

Sa totoo lang, maunlad na maunlad na ang San Jose at tiniyak ng mag-asawa na kapag nagawa na ang linya ng MRT papuntang San Jose, magkakaroon na ng katuparan ang pangarap nilang maging City of Destination ang San Jose at hindi lang basta lugar ng relocations.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending