Ghost girl in 'Eerie' has her own ghost story | Bandera

Ghost girl in ‘Eerie’ has her own ghost story

Djan Magbanua - March 29, 2019 - 08:36 PM

GILLIAN Vicencio, the young actress who played the ghost in “Eerie,” the talked-about horror film directed by Mikhail Red and starring Charo Santos and Bea Alonzo, has a scary ghost encounter.

“Sa set po mismo, meron po. ‘Di ba stay-in po kami, usually late po ako nagigising so ‘yung iba kumakain na, ako naliligo pa lang. Tapos noong naliligo ako, ako lang ‘yung nasa CR tapos parang may ngumagawa na sanggol. E wala namang bata doon. Parang may voice ng bata na tumatawag ng ‘Mama, mama’,” kwento ni Gillian.

Sa takot, naisip niyang tumakbo kahit nakatowel pa lang siya pero tinapangan daw niya at tinapos niya ang pagligo saka siya kumaripas ng takbo.

Nasabi niya ito sa production manager at sinabi naman ng huli na meron din itong nakitang bata na pagala-gala sa hallway na biglang nawawala.

Sa recent blogcon para sa kanya ng Star Cinema, we almost didn’t recognize her because she was so bubbly at ibang-iba ang itsura niya sa movie.

Ayon kay Gillian, halos isang oras siya sa make-up chair para lang ma-transform into a terrifying entity.

For her debut movie, masaya siya na makasama sina Bea Alonzo at Charo Santos. Pinuri rin nya si Direk Mikhail dahil sa bilis nito sa pagtratrabaho.

“Kasama ko mga big stars, Maa’m Charo, Bea Alonzo, kaya nag-invest ako ng emotion, ng sarili ko,” dagdag niya.
Sa next movie niya, gusto raw niyang makasama sina Liza Soberano, Sue Ramirez at Joshua Garcia. At sana raw, action naman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending