DRUG user. May skin cancer. Protektor ng drug lord. Ilan lang ‘yan sa mga malilisyosong akusasyon kay Aiko Melendez ng mga bashers niya sa social media.
Aminado ang award-winning actress na medyo challenging ang buhay niya ngayon dahil na rin sa pagtakbo ng kanyang boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun bilang vice governor ng Zambales.
Pero paninindigan daw ni Aiko ang kanyang mga sinabi sa harap ng mga kaibigan niya mula sa entertainment media na wala siyang ginagawang masama at hindi niya iiwan sa laban ang kanyang karelasyon na isinasangkot din sa isyu ng droga ng kanilang mga kaaway sa politika.
“Iba talaga ang politics. Sobrang dumi. Gagamitin nila ang kahit anong isyu para lang pabagsakin ka ng kalaban mo,” ayon kay Aiko.
At para supalpalin ang mga bashers, ipinost ng aktres sa kanyang social media account ang litrato ng resulta ng kanyang drug test na ginagawa niya every year para maging example na rin sa iba pang mga celebrity.
“Eto!!!! Drug user yan? Ipapakita ko pa yung iba,” caption niya sa nasabing Instagram photo.
Dagdag pa niya, “Yung mga nagkokomento na akala mo alam ang totoo maghinay-hinay kayo. Stick sa issue. Pwede ko kayo kasuhan. Just reminding you!”
Tungkol naman sa sinasabi ng ilang haters na meron siyang skin cancer, salag ni Aiko, “Yan ang ipinapakalat nila sa Zambales para siguro hindi na ako lapitan ng mga tagaroon kapag nag-iikot kami ni Jay. Medyo nangitim kasi ako dahil sa pagbibilad sa araw kaya siguro akala nila may sakit na ako sa balat.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.