Nalilito sa dalawang babaeng niloloko | Bandera

Nalilito sa dalawang babaeng niloloko

Beth Viaje - March 22, 2019 - 12:15 AM

MAGANDANG araw Ateng Beth.
DALAWA ang girlfriend ko.
Isa yung nasa probinsya at yung isa nandito sa Maynila kasama ko sa trabaho. Pareho kaming namamasukan sa isang pabrika.
At may nangyari na sa amin. Pero di ko alam ang gagawin ko. Mas mahal ko yung nasa probinsiya, kaya lang nadevelop ako dito dahil siya lagi kasama ko. Nalilito ako kung sino sa kanila talaga. Ayaw ko sila iwan pareho.
Gary, ng Novaliches

Magandang araw Gary.
Ano ba talaga ang tanong mo kuya? May sagot ka na agad sa alam mong sasabihin ko —ayaw mo silang iwan pareho, so ano pang hinihintay mong sasabihin ko?
Yang lagay na yan hindi mo pa alam ang gagawin mo ha…
So sige lang din…patuloy mong paasahin si probinsyana na may hinhintay siya. Hayaan mong buruhin nya sarili nya sa kaka hintay sa yo kasi eventually malalaman niya ring may kinakalantari kang iba.
Itodo mo na yung sakit na mararamdaman niya, tutal ikaw lang naman ang dapat intindihin sa problemang ito, di ba? Magaling ka eh. Alam mo na lahat eh!
Tapos yung GF mo rito, paasahin mo rin nang paasahin na mahal mo siya talaga. For the meantime, sige lang sa mga gusto mong mangyari between the two of you. Pasasaan ba’t mabubuntis din yan, so doon mo na lang pagdesisyunang iwan kasi di mo naman mahal o pakasalan mo na lang for the sake ng bata …tutal di naman ito about them kundi sa yo na litong-lito sa dapat mong gawin di ba?
So ikaw, kung kelan mo lang gustong tapusin ang panloloko at pagpapa-asa sa kanila. Am sure maghihintay lang naman sila.
Nawa’y natulungan kita at sana makagat mo ang dila mo nang bonggang-bongga at matisod ka nang matisod buong isang linggo nang matauhan ka.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending