Keempee payag maging host ng Showtime; may tampo pa rin sa mga taga-Eat Bulaga | Bandera

Keempee payag maging host ng Showtime; may tampo pa rin sa mga taga-Eat Bulaga

Reggee Bonoan - March 20, 2019 - 12:05 AM


‘‘I MISS working.” Ito ang ipinost ni Keempee de Leon sa kanyang Facebook page na nabasa ni Dreamscape adprom head Eric John Salut.

Kaya tinanong niya ang aktor kung wala siyang kontrata ngayon at umoo naman si Keempee.

Pagkatapos ng presscon kahapon ng bagong teleserye ng ABS-CBN mula sa RSB unit, ang Nang Ngumiti Ang Langit ay tinanong ang aktor ng ilang reporter kung panawagan ba ang pagpo-post niya sa FB para mapansin siya.

“I’m just being true to myself na nasanay ka kasing may ginagawang trabaho, almost two years din kasi akong nabakante,” say ni Keempee. Dagdag niya, matagal nang walang offer sa kanya ang GMA.

“Ako naman walang tinatanggihang work, wala lang talagang offer so ibinigay ko lang ‘yung free time ko sa business,” sambit ng aktor.

May restaurant business si Keempee kasama ang mga kaibigan niya na matatagpuan sa BGC, Taguig at sa Makati.

Muling naungkat ang isyu sa Eat Bulaga kung saan hindi na siya biglang pinag-report at walang maibigay na dahilan ang manager niyang si Ms. Malou Choa Fagar.

“Hindi ko alam kung anong reason, bakit tinanggal ako (sa Eat Bulaga). Kasi ang alam ko, three years ago may ginawa akong soap bago ‘yung Meant To Be (ni Barbie Forteza), ipinaalam ko na may gagawin akong serye, pinayagan naman ako.

“And sa amin naman sa Bulaga no’n pag si Pauleen (Luna-Sotto) kapag may ginagawang soap at kung ma-pack up ka nang maaga let’s say morning lang at pag kaya pang dumiretso ng Bulaga, diretso ka or pag hindi ka makakapasok, magsabi ka,” kuwento ng aktor.

“Sabi nila pag natapos ko na ‘yung soap, mag-report na ako, ganu’n ang ginawa ko for several times tapos sabi lang ipapaalam sa meeting hanggang sa tumagal na almost three years at wala na akong nakuhang sagot and to be honest si tita Malou lang ang tinext ko kung makakabalik pa ako o hindi na.

“Sabi niya, ‘as per management, hindi na. Hinihintay ko kung anong reason bakit hindi na ako makakabalik hanggang sa dumating na ‘yung time na sumulat ako kay Mr. T (Tony Tuviera) hindi ko lang alam kung nabasa niya or nakarating sa kanya kasi wala rin akong nakuhang sagot,” aniya pa.

q q q

Inamin din ni Keempee na nagkaroon siya ng tampo sa mga taga-Eat Bulaga, “I’m not blaming them at hindi naman mawawala na nagtampo talaga ako kasi wala akong sagot na nakuha or memo, pero hindi tayo puwedeng magmukmok ng ganu’n lang, so I have to do something, I have to move on, I have to make a decision, kailangan kong magtrabaho. Pero malaki ang nagawa sa akin dahil 14 years ako sa Bulaga.”

Halimbawang imbitahin ang aktor na mag-guest siya ngayon sa EB ngayong nasa ABS-CBN na siya, “Right now hindi ko masasabi. Nandoon pa rin ang tampo pero hindi naman magla-last ‘yun kung baga hinayaan ko na sa Diyos lahat.

“Malaki ang utang na loob ko sa kanila plus nandoon din ang daddy ko (Joey de Leon), naging part din ako ng Bulaga, 14 years ‘yun kaya thankful ako. Neutral lang si daddy kasi, kungbaga I’m old enough,” dagdag pa ni Kimpoy.

Nang mag-guest daw si Keempee sa It’s Showtime para sa promo ng serye nilang Nang Ngumiti ang Langit ay ipinagpaalam pa rin niya sa kanyang manager pero sinabihan siya na malabo itong mangyari dahil katapat daw ng Eat Bulaga.

“Ipinaglaban ko, sabi ko tita (Malou), lumipat na ako, alam mo naman ‘yan, so ito is promotion lang ng show. Hindi naman porket nag-guest ako, e, tatapatan ko na sila, it’s all about professionalism, trabaho ko lang ito,” katwiran ng aktor.

Pero hindi naman nito itinanggi na open siya sa offer kung sakaling kunin siya ng Showtime, “I’m not closing my doors and I can say yes. Sana maintindihan nila (EB) ako. I’m in this business for quite sometime, trabaho lang naman itong ginagawa ko, so sana lang ‘wag personalin,” paliwanag pa ni Keempee.

As of now ay wala pang kontrata si Keempee sa ABS-CBN, sa serye lang ng RSB unit siya nakakontrata at mag-uusap pa raw sila ni Roxy Liquigan, Star Music big boss para sa plano niyang gumawa ulit ng album.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Anyway, mapapanood na ang Nang Ngumiti Ang Langit sa Lunes, bago mag-It’s Showtime. Makakasama rin sa serye sina Kaye Abad, RK Bagatsing, Enzo Pineda, Matet de Leon, Pilar Pilapil, Heart Ramos, Miguel Vergara, Krystal Mejes, Cristine Reyes at Sophia Reola mula sa direksyon nina FM Reyes at Marinette de Guzman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending