Arjo diretso sa shooting ng ‘Bagman’ pag-uwi ng Pinas mula sa ‘Taiwan date’ nila ni Maine
DUMATING na sina Arjo Atayde at Maine Mendoza nitong Miyerkules nang gabi. Diretso agad ang aktor sa shooting ng digital series niyang Bagman na mapapanood sa iWant ngayong Marso.
Sitsit sa amin ng isang taga-ABS-CBN na nakapanood na ng Bagman, “Ang galing ni Atayde, grabe! ‘Yung eight episodes magiging 12 episodes na, nagdagdag kasi ang husay ni Arjo.”
Dagdag pa ng aming kausap, “Kung nagalingan kayo kay Joaquin Tuazon sa Ang Probinsyano at bilang Elai sa The General’s Daughter, maniwala kayo, ibang atake ang ginawa rito ni Atayde. Grabe lahat ng nakapanood, iisa ang sinabi, ‘wow!’”
Hmmmm, na-curious tuloy kami kung anong klaseng karakter na naman ang ipinakita ng aktor sa Bagman.
Naalala namin ang sabi ng aktor sa huling panayam namin sa kanya bago ang mediacon ng “‘Tol”, talagang nagre-research daw siya at inaaral ang mga karakter na napupunta sa kanya at wala siyang tinatanggihan dahil gusto niyang i-challenge ang kanyang sarili.
“Sarili ko ang kalaban ko tita, wala akong ibang kakumpetensiyang aktor kasi gusto kong matuto, marami pa akong hindi alam. That’s why gusto kong makasama ang mga veteran actors kasi gusto kong matuto sa kanila,” saad ng binata.
At dito nga niya nabanggit ang tungkol sa Bagman, “You watch Bagman tita, iba rin po ang character ko dito, hindi ko lang po alam kailan nila ito ipalalabas sa iWant.”
Magkakaroon din daw ng special screening ang Bagman, kaya ang tanong, isama kaya ni Arjo si Maine?
Hindi imposible dahil hindi na nila kailangang itago ang kanilang relasyon ngayon. Sana nga makapunta si Maine bilang suporta sa kanyang boyfriend.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.