Bakit may road rage? | Bandera

Bakit may road rage?

- January 21, 2010 - 12:27 PM

ni Lito Bautista, Executive Editor

MADALING sisihin sina Jason Ivler, Claudio Teehankee Jr., atbp.  Kung galit ka sa kanilang mga ginawa sa kalye, puwede mo silang sigawan at tawaging mga sira ulo.  Bukod sa nakapipinsala, nakamamatay ang road rage.
Pero, bakit nga ba may road rage?  Bakit nga ba nauuwi sa sakitan at pamamaril ang simpleng gitgitan, cut at girian ng mga sasakyan sa kalye? Walang disiplina ang mga driver (sa mga public vehicles, tulad ng tricycle, pampasaherong jeepney,bus at taxi, ang uunahin ay hindi disiplina, kundi ang makarami ng pasahero.  Ang mga driver ng jeepney at bus ay walang pakialam kung may laman ang kaliwa nila basta sila pipihit, lalabas at ikaw na lang ang umiwas sa kanila.  Sinong driver ng kotse ang ilalaban ng sagian ang kanyang sasakyan sa jeepney at bus?  Sinong makikipagtalo sa napakapilosopong driver ng tricycle?
Sinong kokontra sa katuwiran ng taxi driver na nagmamadali ang kanyang pasahero?).  Walang road courtesy ang mga driver (karamihan dito ay ang mga nakamotor.  Para sa kanila, parating kasya sila sa kaliwa’t kanan kaya puwede silang pumihit kahit ano’ng oras).
Sa Amerika, kung may road rage man, di ito nagsisimula sa gitgitan at girian.  Karamihang road rage sa Amerika ay namamaril nang walang dahilan ang
driver dahil sira nga ang kanyang ulo.  Sa Pilipinas, may mitsa ang road rage.  Parating nasasambit ang:
“Siya ang nagsimula.”
Sa Amerika, di puwedeng walang disiplina ang driver.  Napakaraming batas at regulasyon sa trapiko roon at magastos at mahal ang tiket.
Nakapagtataka na wala ang “reckless driving” sa mga violation ng PU vehicles.  Wala ring reckless driving sa private vehicles.  Dahil ang mismong regulasyon ng reckless driving at hindi malinaw.  Kaya pa itong sagutin sa mga traffic adjudication boards.  Higit sa lahat, kaya itong areguluhin sa pakiusap at P50.
Kung sana’y may mahigpit na batas sa reckless driving at ipinatutupad ito 24 oras (imposible, dahil nasa Pilipinas nga tayo), wala sanang gitgitan at girian sa kalye (subukan mong manggitgit sa California at parating nakabantay ang CHP).
Kung sana’y seryoso ang gobyerno na burahin sa lansangan ang reckless drivers…

BANDERA, 012110

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending