Nadine: Hindi kami nag-aaway ni James, good vibes lang | Bandera

Nadine: Hindi kami nag-aaway ni James, good vibes lang

|February 25,2019
facebook
share this

Nadine: Hindi kami nag-aaway ni James, good vibes lang

- February 25, 2019 - 12:10 AM

HINDI pala nag-aaway o nagkakatampuhan man lang sina James Reid at Nadine Lustre.

Ayon kay Nadine, chill-chill lang sila ng kanyang boyfriend, hindi uso sa kanilang relasyon ang kanegahan kaya naman tumagal na rin sila ng mahigit tatlong taon.

“Wala, wala talaga (away). Hindi nga po kasi kami ganu’n. Relax lang po kami kung anong meron. Kahit tampuhan, wala po. Saka natutunan ko rin po kasing maging open sa kanya.

“Lahat po ng nararamdaman ko sine-share ko kasi before po nasanay akong itatago ko po yung nararamdaman ko. Eventually nagba-bottle up po ako then parang mage-explode na lang one day.

“Pero ngayon po kasi kapag may problema po ako sinasabi ko agad sa kanya, siya po yung tumutulong sa akin,” paliwanag pa ni Nadine nang makachikahan ng ilang members ng press sa grand mediacon ng pelikulang “Ulan” under Viva Films.

Ano sa tingin mo ang mga nabago sa buhay ni James mula nang maging sila? “Ang pinaka-important po natutunan naming dalawa is to relax and love life. Yun lang talaga.

“Parang kaming dalawa walang bad vibes sa amin. Hindi rin kami yung parang nagbibigay ng bad vibes sa ibang tao. Wala sa amin yung may kaaway, yung mga away-away kaya happy lang,” sabi pa ni Nadine.
Feeling mo ba kayo na ni James hanggang ending? “Uhm, sana po. Ha-hahaha!”

Napag-uusapan n’yo na ba ang kasal? “Hindi pa po, eh. Kasi sobrang love po namin yung state namin ngayon.”

Paano ka binibigyan ni James ng assurance sa inyong relasyon? “Meron po kasing mga discoveries na hindi ko rin po alam kung paano ko ie-explain. Hindi po kami nag-uusap about these things pero alam mo naman po kasi, feeling ko lang na alam niya naman yung nararamdaman ko,” sagot ni Nadine.

Samantala, showing na sa March 13 ang “Ulan” at kasama rin dito sina Carlo Aquino, Marco Gumabao at marami pang iba, sa direksyon ni Irene Villamor. Promise ni Nadine, hindi masasayang ang ibabayad n’yo sa sinehan kapag nanood kayo ng “Ulan”.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending