AI AI: Wala akong nilapag na batas! | Bandera

AI AI: Wala akong nilapag na batas!

Ervin Santiago - July 16, 2013 - 03:00 AM


HINDI nababahala si Ai Ai delas Alas sa inihaing kasong “site of contempt” ng dating asawang si Jed Salang laban sa kanya. Naniniwala ang Comedy Queen na wala itong basehan.

Sa interview ng The Buzz kay Ai Ai nu’ng Linggo nang hapon, siniguro sa kanya ng abogado niya na wala siyang nilalabag na batas, lalo na sa gag order na iniutos ng korte para sa kanila ni Jed.

Kung matatandaan, nagsampa ng kasong Anti-Violence Against Women and Children si Ai Ai laban sa nakahiwalay na asawa at ito’y dinidinig pa rin sa korte.

“Sabi naman ni attorney, walang basis yun, never naman akong nagsalita about sa case. Yung mga interview ko, siyempre artista ako, so sinasagot ko lang yung about pag-alis namin.

“And about sa kids wala akong sinasabi. Always ko sinasabi na after nu’ng sa The Buzz, na dun na yung end. Baka sinasabi nila yung sa Yes tsaka yung sa ano, one month prior sa gag order nila tapos na yun,” pahayag pa ng komedyana.

In fairness, kitang-kita sa mga larawang ipino-post ni Ai Ai sa kanyang Instagram account ang sobrang kaligayahan dahil nga sa pagba-bonding nila ng kanyang mga anak sa Amerika.

“Masaya kasi lahat kami kumpleto dito at nagagawa ko ang mga di ko nagawa ng ilang taon din kasi masyadong busy rin ako. Tapos wala yung dalawang bata, si Niki at Sophia,” sey pa ng Box-Office Queen.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending