Bagong litrato nina Maine at Arjo sampal sa AlDub Nation; pero ayaw pa ring sumuko | Bandera

Bagong litrato nina Maine at Arjo sampal sa AlDub Nation; pero ayaw pa ring sumuko

Alex Brosas - February 19, 2019 - 12:10 AM


HURT na hurt ang ALDub Nation sa naglabasang photos nina Maine Mendoza at Arjo Atayde na kuha sa appreciation party for “JackEmPopoy: The Puliscredibles” cast which was held sa Trellis Manila sa Quezon City.

Magkasama sina Maine at Arjo sa photo, may resibo pero panay pa rin ang hanash ng mga bobang AlDub fans. Naulol sila sa galit dahil finally ay mayroon ng photo na magkasama ang dalawa.

In the past ay kinukuwestiyon nila ang dating photos nina Maine at Arjo dahil wala raw pictures na magkasama sila. Pero now na there’s evidence na they were together as they were snapped together ay mayroon pa ring alibi ang mga hitad.

“Sabi nila hindi naman daw si Arjo katabi niya but nung makitang may mag take ng photo biglang tumabi kay Maine para palabasing magkatabi silang kumain.”

“Yuck, more promo and gimmick, seyempre! Kakadiri kayo!”

‘Yan ang dalawa lang sa mga reactions ng AlDub fans.

“Sabi ko na nga ba eh. Hahanap-hanap noon ng pic na magkasama at magkatabi ang ArMaine sa iisang pic, ngayong meron na sasabihin pa rin ng mga delulus na edited na naman. Kawawang ADN hindi na makampante at walang peace of mind.”

“Sampal na yan sa mga delulus masakit na pisngi nila kaya wala na silang masasabi pa.”

‘Yan naman ang sagot ng ilang fans.

May mga AlDub fans na nagpakalat ng previous photos nina Alden Something at Maine sa social media, their desperate move para buhayin ang AlDub. Kakaloka ang desperation nila, bordering on lunacy na.

q q q

Panalo ang unang Harapan 2019: The ABS-CBN Senatorial Town Hall Debate ng ABS-CBN.

Top trending topic ang #Harapan2019 sa Twitter sa Pilipinas, habang pumapangalawa naman ito sa buong mundo.

Akala mo pagkatapos ng mga pa-debate ng mga ibang istasyon ay hindi na masasabik ang mga tao sa pa-debate ng Kapamilya bnetwork pero pinatunayan ng ABS-CBN na iba talaga ang hatak at reach nito.

Kaya naman hindi nakakagulat kung bakit doon pinipiling lumabas ng mga kandidato kasi siguradong maraming makakapanood sa kanila, hindi lang sa TV kundi pati online, at hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, sa pamamagitan ng Facebook, YouTube, at TFC.tv.

Napakahusay din nina Karen Davila at Alvin Elchico na matapang at maayos na nakapagtanong sa mga kandidato habang live na live umeere ang debate, hindi taped katulad ng sa iba.

Bentang-benta sa amin ang Fast Talk na nagpakita ng tapang at bilis ng pagiisip ng mga kandidato. At imbes na kung sinu-sino ang ibida, nabigyan din ang mga ordinaryong Pilipino na talagang makapagtanong sa mga isyung nakakaapekto sa kanila sa mga kandidato.

Pero ang pinakamaganda sa lahat, may dalawa pang debate na paparating, isa sa Linggo (Peb. 24) at sa Marso 3, kaya mas maraming kandidato pa ang makakapagpakilala sa mga botante. At dahil hindi sila pinagsiksikan sa iisang debate, mas maraming silang panahon para ipaliwanag ang kanilang mga plano at posisyon sa mga isyu.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana marami uli ang tumutok dahil importanteng makapanood ng mga palabas na ganito at kinabukasan ng bayan ang nakasalalay sa Halalan 2019.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending