Alden nagpapagawa ng paaralan para sa mga Aeta; 2 sa mga iskolar ga-graduate na | Bandera

Alden nagpapagawa ng paaralan para sa mga Aeta; 2 sa mga iskolar ga-graduate na

Jun Nardo - February 19, 2019 - 12:10 AM

ALDEN RICHARDS

HUMANGA si Rico Hizon, ang Pinoy broadcast journalist sa BBC World News at anchor ng Newsday at Asia Business Report, kay Alden Richards.

Na-feature kasi ang Pambansang Bae sa website na goodnewspilipinas.com, partikular na ang pagtulong nito sa mga kabataang hindi kayang tustusan ng mga magulang ang kanilang pag-aaral.

Tweet ni Rico, “Heart of Gold! Pambansang Bae Alden Ricards gives back through educational scholarships for fans, charities.”

Sinilip namin ang nasabing website at may inilabas itong feature tungkol sa rason kung bakit pinahahalagahan ng Kapuso heartthrob ang edukasyon.

Ayon pa sa website inilabas nito na may ga-graduate na sa kursong accounting at engineering sa kanyang mga scholars. Saad pa ng website, isang eskuwelahan sa Bamban, Tarlac para sa mga Aeta ang pinagsisikapang ipagawa ni Alden. Isa rin siya sa Good News Pilipinas 2018 Filipino Pride Icon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending