NU, FEU magkakasubukan sa PBA D-League | Bandera

NU, FEU magkakasubukan sa PBA D-League

Melvin Sarangay - February 17, 2019 - 09:01 PM

Laro Lunes (Pebrero 18)
(Paco Arena, Manila)
2 p.m. UST vs Batangas-EAC
4 p.m. SMDC-NU vs Chadao-FEU
APAT na iba pang koponan ang sisimulan ang pagsabak sa 2019 PBA D-League ngayong Lunes sa sagupaan ng University of Santo Tomas at Batangas-EAC at ang salpukan ng SMDC-NU at Chadao-FEU sa Paco Arena sa Maynila.

Ang transferee guard na si Brent Paraiso at high school star Mark Nonoy ay maglalaro naman sa unang pagkakataon para sa Growling Tigers kasama si Beninese forward Soulemane Chabi Yo.

Pangungunahan nina Renzo Subido at Marvin Lee ang UST na hahawakan ng kanilang bagong coach na si Aldin Ayo sa kanilang alas-2 ng hapon na Aspirants Group match.

Magbabalik naman si Oliver Bunyi sa panig ng Batangas-EAC bilang head coach ng Generals matapos makipagpalit ng puwesto kay Ariel Sison.

Ang mga beteranong sina Cedric de Joya at Earvin Mendoza ay magbabalik din para sa Generals na pamumunuan nina JP Maguliano at Renzo Tampoc.

Sa alas-4 ng hapon na Foundation Group game, sasandalan ni Bulldogs coach Jamike Jarin ang tambalan nina Dave Ildefonso at John Lloyd Clemente katuwang si Senegalese big man Issa Gaye.

Maglalaro rin sa unang pagkakataon para sa kanilang koponan sina Daniel Chatman at ang mga dating Bullpups na si Migs Oczon at Robert Minerva.

Ipaparada naman ng Tamaraws ang kanilang bagong big man na si Cameroonian center Patrick Tchuente.

Magiging malaking tulong siya para kay coach Olsen Racela at Chadao-FEU na pamumunuan nina Ken Tuffin, Wendell Comboy, Barkley Ebona at Hubert Cani.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending