PUMANAW na si Aric Del Rosario, ang isa sa pinakamatagumpay at iginagalang na head coaches sa Philippine basketball, ayon sa kanyang pamilya.
Si Del Rosario, na namatay sa cardiac arrest, ay 80-anyos na.
Nagpaabot naman ang kanyang mga kaibigan at kasamahan ng kanilang panalangin at pakikiramay sa social media kabilang na sina Pido Jarencio, Charlie Dy at Chot Reyes.
Nagsilbing head coach si Del Rosario ng University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers ng 12 seasons (1992-2003) at hinatid niya ito sa apat na diretsong UAAP men’s basketball title noong 1993 hanggang 1996.
Kabilang na dito ang 14-0 kartada noong 1993 na nagkaloob sa koponan ng outright title.
Pinangunahan din niya Philippine men’s basketball team sa gold medal sa 2003 Southeast Asian Games na ginanap sa Hanoi, Vietnam.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.