Kilalang young actress tomboy pala, sister ni female star ang bagong dyowa

By Cristy Fermin February 11,2019
share this

Kilalang young actress tomboy pala, sister ni female star ang bagong dyowa

By Cristy Fermin February 11,2019
share this


HINDI na nga ang itsura ang ginagawang basehan ngayon tungkol sa kasarian ng tao. May mahinhin na pusong-lalaki. May machong-macho sa tingin pero kapwa lalaki rin naman pala ang hanap.

‘Yun daw ang uso ngayon, ang ilayo sa itsura ang totoong nararamdaman, pusong-ligaw ang tawag sa ganu’n ng mga milenyal.

Kuwento ng aming source, “May isang young personality na girl na girl sa tingin, pero shocking Asia kapag nalaman n’yo ang totoo na girlash din pala ang nagiging karelasyon niya.

“Walang may gustong maniwala nu’ng una dahil babaeng-babae siya, kilos-babae, arteng-babae, pero nakakawindang nu’ng lu-mabas ang totoo na magandang girl ang karelasyon niya.

“Parang hindi totoo, sumasabay lang daw sa uso ang young actress, pero nu’ng lumabas ang totoo na ang girlfriend pala niya, e, mismong kapatid ng isa pang young actress, du’n lang naniwala ang mga katrabaho niya,” unang kuwento ng chikadora naming source.

Sayang, maganda pa naman ang young actress na ito, magaling din siyang umarte at marami pa naman sanang may gustong manligaw sa kanya.

“Walang masama sa pagiging tivoli niya, hindi naman krimen ‘yun, e, sa kung du’n ba siya maligaya, di ba? Pero ang nanghihinayang, e, ang mga boys na matagal na palang may gusto sa kanya.

“Ngayon na lang nila nare-realize na kaya pala siya mailap sa boys, halatadong iwas na iwas siya, iisa lang naman pala kasi talaga ang hanap nila,” tawa nang tawang kuwento uli ng a-ming source.

Ang pinakamalungkot pala sa chikang ito ay ang young actor na matagal nang may crush sa young actress. Nu’n pa pala nito gustong ligawan ang young personality pero meron nga itong nahahalata.

“Si ____ (pangalan ng kilalang young actor) ang pinaka-affected sa kuwento, kasi nga, nu’n pa pala niya type ang girl. Pero tuwing nakikipag-close daw siya, e, feel na feel niya na parang lumalayo naman ang girl.

“’Yun na! Iisa lang pala ang hanap nila, kaya walang interest sa kanya ang young actress. Hay, naku! Ikailang utos ba ng puso ang maitatawag du’n?” napapailing na lang na pagtatapos ng aming impormante.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, getlak n’yo na kung sino siya?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending