Level up na ang mga pasabog sa 690 entertainment bar
PASABOG ang launching na isinagawa ng businessman at Mr. Gay World Philippines 2009 na si Wilbert Tolentino para sa evolution ng entertainment bar niyang The One 690.
Umabot sa 24 production numbers ang inihanda nila at ipinakita sa entertainment press at bloggers last Monday featuring their nagguguwapuhang models and talented impersonators.
Nang pansamantalang nagsara ang original na 690 sa Retiro St. binuksang muli ito ni Wilbert but this time, level up na ang mga shows na napapanood na sakto sa panlasa ng millennials.
Sa totoo lang, hindi na limitado sa bading na clients ang bar dahil pinapasok na rin ito ng mga babae at iba pang gender. Ilan kasi sa production numbers na handog ng bar ay ang Las Vegas type shows, Broadway sa New York at Moulin Rouge sa Paris.
Siyempre, present pa rin ang guwapitong models sa katakam-takam nilang performance para sa Girl’s Night Out at sa mga gustong magpa-bridal shower sa bar.
Sa pag-level up ng entertainment bars ngayon na sinimulan ni Wilbert kasama si Genesis Gallios, “One school gay bar no more!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.