Driver ng kumakandidatong mayor patay sa ambush sa Bohol | Bandera

Driver ng kumakandidatong mayor patay sa ambush sa Bohol

|January 14,2019
facebook
share this

Driver ng kumakandidatong mayor patay sa ambush sa Bohol

- January 14, 2019 - 07:35 PM

PATAY ang driver ng isang kandidato na tumatakbong mayor ng Buenavista, Bohol matapos tambangan ang kanilang sasakyan sa bayan ng Getafe ngayong hapon.

Sinabi ni Senior Inspector Narciso Laroga, chief ng Getafe Police station, na nangyari ang pananambang ganap na ala-1:50 ng hapon sa Barangay Tulang.

Idinagdag ni Laroga na minamaneho ng biktima na si Conrado Añasco, ang Toyota Fortuner na pag-aari ng abogadong si Rico Cabarrubias nang tabihan ng riding-in-tandem ang sasakyan at pinagbabaril ang driver.

Ligtas naman si Cabarrubias, na tumatakbong mayor sa Buenavista at miyembro ng isang prominenteng pamilya ng mga politiko.

Tinamaan ang driver sa bandang ilong at tumagos sa kanyang puso, na naging dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Sinabi ni Laroga na galing si Cabarrubias mula sa bayan Talibon kung saan dumalo siya sa isang hearing kaugnay ng kasong hinahawakan at pauwi na kasama ang driver nang mangyari ang pag-atake.

Ani Laroga inaalam pa kung konektado sa eleksiyon ang pananambang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending