Tony tuloy ang trabaho sa ABS-CBN: Lalabas na ang working permit niya | Bandera

Tony tuloy ang trabaho sa ABS-CBN: Lalabas na ang working permit niya

Reggee Bonoan - January 13, 2019 - 12:30 AM


ISA sa mga araw na ito ay balik-taping na si Tony Labrusca para sa teleseryeng Mea Culpa.

Napag-alaman namin na anumang oras mula ngayon ay lalabas na ang kanyang working permit. Ito ang kinumpirma sa amin ng Dreamscape Entertainment head na si Deo Endrinal.

Pagkatapos ng solo presscon ni Angel Locsin para sa The General’s Daughter nitong Huwebes ay pasimple naming tinanong ang TV executive kung kumusta na si Tony at kung tuloy pa rin ang taping niya sa Mea Culpa.

“Oo, baka next week magte-taping na siya, okay na. Nai-submit na lahat ‘yung mga kailangang papers for his permit, hinihintay na lang namin ang resibo na proof na binigyan siya ng working permit.

“Naging masyadong maingay lang ‘yung nangyari kasi nga, di ba, ang daming pumik-ap, e, ayaw ng BI (Bureau Of Immigration) ng ganu’n. So, ngayon okay na. Tuloy na tuloy na ang taping niya,” nakangiting sabi sa amin.

Tinanong namin kung ABS-CBN ang umayos sa kaso ng aktor, “Ay hindi sila ‘yun (Tony) saka may lawyer sila. Sila naman ang magsa-submit ng papers hindi naman kami,” mabilis na sagot ni DTE (tawag kay Deo sa ABS-CBN).

Matatandaang nag-issue ng public apology si Tony matapos ang naganap na insidente sa NAIA Terminal 1 kung saan inamin ng binatang aktor na nadala lang siya ng kanyang emosyon kaya nangyari ang hindi dapat mangyari.

Samantala, sa panayam naman ng ABS-CBN sa ama ni Tony na si Boom Labrusca, inamin nitong nasasaktan siya sa mga nababasang negative comments laban sa kanyang anak.

“Kami ni Tony palagi kaming nagkikita. Actually siguro mga ilang araw na kaming magkasama, nagkakape lang kaming dalawa. Siyempre bilang tatay niya sinuportahan ko siya. Masakit eh, kahit paano siyempre kapag kung anu-ano ‘yung nababasa mo, masasaktan ka bilang ama,” aniya sa nasabing panayam.

Payo niya kay Tony, “Sabi ko sa kanya, ganoon talaga ang buhay. Nabatikos ka ngayon pero ang sabi ko para maintindihan niya ng husto, hindi naman ganoon kalaki ‘yung kasalanang nagawa niya para, ako man nalungkot, para malungkot ka rin.

“Sabi ko sa kanya, ‘Alam ko naman na kahit paano may natutunan kang lesson dito, di ba?’ Siguro kasi ‘yung pag-tweet din niya. So sabi ko minsan medyo take a step back bago ka may gawing hakbang. Kasi nakatingin lahat ng tao sa ‘yo ngayon kahit paano.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pero okay naman siya as of the moment. Sabi ko sa kanya mali ka man o tama, dapat lagi ka pa ring magpakumbaba,” sabi pa ni Boom.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending