Angelica ginamit lang si Carlo para makalimutan si Lloydie, pero wa epek

By Cristy Fermin January 12,2019
share this

Angelica ginamit lang si Carlo para makalimutan si Lloydie, pero wa epek

By Cristy Fermin January 12,2019
share this


MAS maraming naniniwala na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakapagmu-move-on si Angelica Panganiban sa nakaraan nilang relasyon ni John Lloyd Cruz.

Ayaw bilhin ng mas nakararami ang kusang paglayo ng aktres kay Carlo Aquino nang dahil lang sa mga namba-bash sa kanya. Napakababaw na dahilan nu’n para sa mga miron.

Kilala si Angelica sa pagkakaroon ng paninindigan. Matapang ang aktres. Walang kahit sinong puwedeng manghimasok sa mga gusto at ayaw niyang gawin.

Pero dahil siya na mismo ang kusang naglalayo ng kanyang sarili ngayon kay Carlo dahil sa mga namba-bash at sumisira sa kanilang relasyon ay mas lumutang ang paniniwala ng ating mga kababayan na hindi pa rin nakalilimot si Angelica sa dating relasyon nila ni JLC.

May anak na sina Lloydie at Ellen Adarna, maligaya ang dalawa sa kanilang pagsasama, pero ayon sa mga nagmamasid ay naglulubalob pa rin sa nakaraan si Angelica.

Love on the rebound lang daw kasi si Carlo Aquino, hindi niya naman daw talaga mahal ang binatang aktor, naging close lang daw uli ang dalaga sa kanyang childhood sweetheart para makalimot siya kay JLC.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending