Paolo Contis nag-ala 'Lion King' kasama ang sariling 'Baby Simba' | Bandera

Paolo Contis nag-ala ‘Lion King’ kasama ang sariling ‘Baby Simba’

|January 10,2019
facebook
share this

Paolo Contis nag-ala ‘Lion King’ kasama ang sariling ‘Baby Simba’

- January 10, 2019 - 12:10 AM


HASHTAG #tataygoals ang drama ngayon ng Kapuso actor na si Paolo Contis.

Hands on father ang partner ni LJ Reyes sa pag-aalaga sa kanilang panganay na anak na si Summer Ayanna. Tulad ng ipinangako niya kay LJ, kahit na super busy siya sa kanyang trabaho, sisiguruhin niya na kahit anong mangyari ay lagi siyang nandiyan para kay Summer.

Aliw na aliw nga ang mga netizens sa video na ipinost ni Paolo sa kanyang Instagram account kamakailan kung saan kalong-kalong niya ang bagong panganak na baby.

Ginaya kasi ng aktor ang iconic scene mula sa 1994 Disney animated film na “The Lion King” kung saan ipinakilala ng kanyang tatay ang batang leon na si Simba sa animal kingdom. Ipinakita naman sa video IG ni Paolo si Summer habang pinaaarawan ito.

Caption ng Kapuso actor, “Sorry anak! I just had to! #SummerAyannaContis my Little #LionQueen sorry nainitan ka kanina nung pina arawan kita anak ha! Don’t worry, bukas sa gabi kita papa arawan para hindi mainit!! Ano daw????”

Ipinanganak ni LJ si Summer Ayanna nitong nagdaang Jan. 4. May dalawa ng anak si Paolo sa kanyang ex-wife na si Lian Paz habang isa naman ang anak ni LJ kay Paulo Avelino.

Sa interview naman ng GMA, ipinaliwanag ni Paolo kung bakit Summer ang ipinangalan niya sa anak nila ni LJ, “’Yung Summer, matagal nang gusto ni LJ. Sabi nga niya, kung naging babae si Aki, Summer ang ipapangalan niya. It’s what she wanted ever since so non-negotiable na ‘yun pero gusto ko rin ‘yung name.”

“And knowing that she has Aki, I have two girls also, na ‘yung mga second name, puro A. So we found a name na A din ‘yung magiging pangalan,” dugtong pa ni Paolo. Aniya, ang ibig daw sabihin ng Ayanna ay “beautiful flower.”

Samantala, kasama si Paolo sa bagong serye ng GMA na Hiram Na Anak na pagbibidahan din nina Dion Ignacio, Yasmien Kurdi, Lauren Young, Maey Bautista at Leanne Bautista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending