PNP palpak ang 'intelligence'? | Bandera

PNP palpak ang ‘intelligence’?

Jake Maderazo |January 07,2019
facebook
share this

PNP palpak ang ‘intelligence’?

Jake Maderazo - January 07, 2019 - 12:15 AM

SOBRANG lapit na ng eleksyon, sa Mayo 13 (127 araw na lang), at aarangkada na ang campaign period para sa mga nagsisitakbo sa Senado at partylist sa Pebrero 12 (37 araw na lang).
Ang kampanya naman ng mga congressmen at local officials ay magsisimula sa Marso 30 (83 araw).
Talagang napakainit na ng pulitika. Ang PNP ay nagdeklara sa 18 bayan at lungsod bilang election hotspots sakop ang halos 8,000 baranggay .
Kung susuriin, mahaba na ang listahan ng “election related violence” mula 2018. Pinakahuli nitong December 22 kung saan napatay si Ako-Bicol parylist Rep. Rodel Batocabe na pinagbabaril alas-3 ng hapon sa gift-giving sa mga senior ci-tizens sa Barangay Burgos, Daraga, Albay.
Patay rin ang kanyang bodyguard at pito sa mga matatanda ang sugatan. Nang umagang iyon, si ex-Mayor Joelito Talad ng Ka-dinglan, Bukidnon ay napatay habang nami-mili ng prutas bandang 9:30 sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.
Nitong November, patay din si Balaoan La Union Vice Mayor Alfred Concepcion at su-gatan ang anak nitong si Mayor Aleli Concepcion habang dumadaan sa Banlaon-Luna road sa Baranggay Antonino bandang alas 8:22 ng umaga.
Oktubre nang patayin si Sudipen Ma-yor Alexander Boquing at dalawang bodyguard nito samantalang su-gatan ang asawang Vice Mayor na si Joy Bocquing sa ambush sa provincial road sa Baranggay Cadapali alas 6:40 ng gabi.
Marami pang nauna sa kanila, sina Ronda Cebu Mayor Mariano Blanco III na binaril sa loob ng kanyang opisina ala 1:30 ng madaling araw sa city hall noong September.
Noong July 2, si Tanauan city, Batangas mayor Antonio Halili ay binaril ng sniper sa flag ceremony. Si General Tinio Nueva Ecija ma-yor Ferdinand Bote naman ang pinatay alas 4:50 ng hapon habang palabas ng LWUA office sa Cabanatuan City.
Ilang araw lang ang lumipas, napatay si Trece Martires Vice Mayor Alexander Lubigan matapos magdeklarang lalaban sa pagka-alkalde. Inambus siya sa Trece Martires Indang road bandang alas-3 ng hapon.
Ang iba pang na-patay noong 2018 ay sina ex-La Union Cong. Eufranio Eriguel, Vice Mayor Ronald Tirol ng Buenavista Bohol, at Vice mayor Jonah Ungab ng Ronda Cebu, at Vice Mayor Al Rashid Ali ng Sapa-Sapa, Tawi-tawi.
Walang pinipiling oras ang mga killer at ni hindi alintana kung may inosenteng madadamay.
Halata na ang dekahong mangyayari. Mag-kokondena sa media, gagawa ng task force, maglalaan ng reward, merong mahuhuli, merong kakanta pero hindi maipakulong ang mga mastermind.
Pumapalpak na ba ng “intelligence” ng Philippine National Police, CIDG at maging National Bureau of Investigation sa paghahanap sa mga “hired killers” na ito?
Anong nangyari sa mga “intelligence funds” ninyo? Ngayong panahon ng eleksyon, mabiling-mabili sila sa mga pulitikong baluktot ang pag-iisip. Dahil kundi nila matalo sa boto, pagpatay ang ginagawa nilang solusyon.
At ang masakit, wala halos nahuhuli. Kung meron man, hindi na naman nahahatulan sa korte kayat malaki ang mga pagdududa. Sinu-sino na naman ang susunod na mamamatay? Bulag nga ba ngayon ang mga law enforcement agencies at hustisya sa kaliwa’t-kanang patayan ng mga pulitiko?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending