MMFF MOVIE REVIEW: Is ‘Fantastica’ really fantastic?
MIXED emotions ang hatid ng Fantastica: The Princess, The Prince and the Perya movie brought to you by none other than Vice Ganda. Inisa isa namin ang the good, the bad and ang biased favorite parts namin. Would you agree kaya?
The Good
1. Puno ng halakhak na maaasahan mo naman sa bawat pelikula ni Vice Ganda.
2. Masaya ring panoorin ang pagsasama-sama nila Dingdong Dantes at Richard Guiterrez from the other network sa pelikulang ito.
3. Nagpakitang-gilas din ang tatlong major love teams na kasama sa movie (MayWard, DonKiss at LoiNie). At mararamdaman mo ang appeal ng bawat isa. No wonder pinagkakaguluhan sila.
4. Maganda ang effects.
5. Mapapatawa ka naman sa panggagaya ni Vice sa ilang sikat na eksena sa pelikula.
The Bad
1. Kulang pa sa eksena ang tatlong love teams.
2. May mga jokes na mali ang timing kaya lagapak.
3. Sana may background pa sa mga prinsesa ng Fantastica.
4. Aside from the cast, it feels like the usual Vice Ganda movie, yes mag e-enjoy ka pero may kulang pang timpla.
5. Kulang sa perya elements katulad ng mga buwis-buhay performances para truly na maramdaman ang tema.
6. Censored parts, para siguro mapanatili sa rated G ang pelikula.
The Biases
1. Magaling ang action scenes nila Dingdong at Richard.
2. Pinaka nakakakilig ng eksena ang pagkikita nila Donny Pangilinan at Kisses Delavin na may matching pang kanta.
3. Maymay Entrata doing fight scenes? Keribels!
4. Yung gumagaling na sa tagalog si Edward Barber, na halos wala nang punto.
5. Panalo ang mga outfit ni Vice!
6. Papatok ito pag pahahabain ang kwento at gawing sitcom na ganito pa rin ang pagkaka-shoot.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.