OFW remittance inaasahang papalo sa $31B
INAASAHANG papalo sa $31 bilyon ang remittance na maipadadala ng mga overseas Filipino workers sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Leyte Rep. Henry Ong, chairman ng House committee on banks and financial intermediaries, lumaki ang remittance ng mga OFW professionals, technicians, at highly-skilled workers.
Kung lumiit umano ang remittance mula sa Middle East dahil sa pagbabago ng polisiya roon, lumaki naman ang padala ng mga OFW sa Africa, Europe, Oceania Pacific islands, Estados Unidos, Canada, at mga bahagi ng Asya.
Mula Enero hanggang Oktobre umabot, tumaas ang remittance mula sa Africa ng 22.7 porsyento o mula $92.3 milyon ay naging $113.23 milyon.
“Much of what came from Africa, $57.85 million, comes from Liberia and is sea-based. Many cargo ships are Liberian-registered. But money transfers from Nigeria, the Seychelles, and Egypt were in modestly strong amounts: Nigeria – $8.74 million; Seychelles – $2.01 million; and Egypt – $2.06 million,” ani Ong.
Ang remittance mula sa Europa ay umakyat ng 8/7 porsyento at naging $3.44 bilyon mula sa $3.16 bilyon. Galing ang remittance sa mga seafarers mula sa mga barko ng Netherlands, Norway, Germany at Cyprus. Malaki rin ang itinaas ng remittance mula sa mga land-based workers gaya ng nurse at engineer.
Ang mga bansa sa Pacific island ay lumaki ng 11.6 porsyento sa $647 milyon mula sa $580.4 milyon. Mahigit naman sa $10 bilyon ang remittance mula sa North America at sa Estados Unidos ay $8.2 bilyon at Canada $806.36 milyon.
“Considering that monthly OFW money transfers have not gone lower than $2 billion since February 2016 and worldwide, the OFW personal remittances already totaled $26.5 billion from January to October, the $31 billion mark is near certainty. Since the remittances always peak in December, there is even a high probability the $31 billion will be surpassed,” ani Ong.
Noong 2017 ang OFW personal remittance ay umabot sa $31.288 bilyon.
Sinabi ni Ong na dapat ay palawigin ang Overseas Filipino Bank, subsidiary ng Land Bank of the Philippines, upang matulungan ang mga OFW.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.