Camille Villar sa pagiging co-host ni Willie: Sobrang dami kong natutunan | Bandera

Camille Villar sa pagiging co-host ni Willie: Sobrang dami kong natutunan

- December 23, 2018 - 12:30 AM


NAMI-MISS din ng dating co-host ni Willie Revillame na si Camille Villar ang mundo ng showbiz.

Maraming natutunan ang unica hija ni Sen. Cynthia Villar at dating senador na si Manny Villar sa naging experience niya sa ilang taong pagiging co-host sa dalawang shows ni Willie noon.

Sa pakikipagchikahan ni Camille sa ilang members ng entertainment press, kasama si Sen. Cynthia at kapatid na si DPWH Sec. Mark Villar, sinabi nitong hinding-hindi niya makakalimutan ang mga natutunan niya sa showbiz.

“I think, it’s one of the most valuable experiences I’ve had for myself. I didn’t see myself in show business or the entertainment industry but I learned so much, and I think, that prepared me so much for politics. And not just politics, but even in business, even in retail, like in terms of relating to people, knowing what people want.

“Like I, honestly, right now, I feel, looking back, when you’re there, parang okay lang, parang masaya naman siya, marami naman akong natututunan.

“Pero looking back, I mean, that was five years ago, I learned and it prepared me immensely. That experience prepared me for this, to where I am now,” pahayag ni Camille.

Dito na nga niya ibinalita ang pagtakbo sa 2019 midterm elections bilang congresswoman sa lone district ng Las Piñas.

Sa edad na 34, feeling ni Camille ay ready na siyang sundan ang yapak ng kanyang mga magulang sa larangan ng public service. Marami na rin siyang natutunan sa kanyang parents at mga kapatid pagdating sa pagsisilbi sa bayan.

Sabi nga ni Sen. Cynthia sa kanyang mga anak, si Camille ang pinaka-natural for politics, “Mahilig siya, eh, nakikita mo naman, maybe (because of) the exposure to showbiz,” sabi ng senadora.

Bukas lilipad ang pamilya Villar para sa kanilang yearly Christmas vacation sa Amerika. Two weeks sila sa Glendale at babalik sa Jan. 4, 2019. Kasama nila ang mahigit 30 empleyado nilang hindi pa nakakarating sa US na magsisilbi na ring educational tour.

Wala rin daw silang traditional Noche Buena o Medya Noche dahil sa labas sila kumakain tuwing Pasko at Bagong Taon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending