Sikat na aktor bading din, dyowa ngayon ni controversial celeb

By Reggee Bonoan December 14,2018
share this

Sikat na aktor bading din, dyowa ngayon ni controversial celeb

By Reggee Bonoan December 14,2018
share this

MATAGAL nang pinagdududahan ang sexual orientation ng kilalang aktor.

Palagi nga kaming inaasar ng mga katoto dahil lagi rin namin siyang ipinagtatanggol dahil wala naman kaming nakikitang kakaiba sa kanya maliban sobrang lambing sa mga kaibigan.

Hanggang sa mismong mga kaibigan na ng sikat na aktor ang nagsabi sa amin ng, “Hindi mo pa ba nahahalata? Ano ka ba? Pero hayaan mo na, mabait naman siya.”

Bigla tuloy naming ni-rewind ang tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya at oo nga, lahat ng nakarelasyon niya ay hindi nagtatagal. Tanda namin, na-link din ang aktor ang isang sikat ding aktres na naging ka-loveteam niya at bagay na bagay sila.

Ang ipinagtataka lang namin, sa tuwing babanggitin namin ang pangalan ng sikat na aktor sa sikat na aktres ay laging iisa ang sagot, “Talaga ba, Reggee Bonoan?”

Going back sa sikat na aktor ay loveless siya ngayon, pero may nagbulong sa amin na closet guy daw siya ng kilala at kontrobersyal na personalidad, “It’s confirmed! Siya ang ‘nakatagong boyfie’, closet di ba?

Ha-hahaha!” tumawang sabi ng aming source. Basta, love namin ang kilalang aktor.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending