HUGOT NI COCO:  Sometimes the best revenge is to smile, move on and do nothing... | Bandera

HUGOT NI COCO:  Sometimes the best revenge is to smile, move on and do nothing…

Dominic Rea - November 21, 2018 - 09:58 AM

NAPAKA-UNFAIR na sabihan si Coco Martin ng kung anu-anong masasakit na salita dahil lang sa mga reklamo ng pamunuan ng PNP sa tumatakbong kuwento ng FPJ’s Ang Probinsyano.

“For how many years, alam nating lahat na napaka-humble niyang tao. Kaya hindi tama na sabihan siya ng kung anu-anong negatibo. Hindi niya deserve ang ganyang akusasyon.

“He has been a very good person lalo na sa mga nakakatrabaho niya sa industriyang ito. Sa totoo lang, hindi kailanman pinagbago ng panahon si Coco. Kung ano ang pagkakakilala natin sa kanya noon, ganoon pa rin naman yung tao until now. Kahit sino ang tanungin mo, wala silang masasabing masama sa likod ni Coco,” lahad sa amin ng isang taong malapit sa Hari ng Teleserye.

Sagot niya ito sa isang binanderang headline sa isang tabloid (hindi BANDERA) kung saan sinabing gustong-gusto raw ni Coco Martin na tinatawag  siyang “My Lord” kasabay ng kuwento na isinusuka raw siya ng ilang kapwa direktor sa bakuran mismo ng Kapamilya Network.

“Hindi ganyan si Coco. Ang  natatandaan kong tinatawag o bansag sa kanya ay ‘Idol’, ‘Kuya’ at ‘Direk.’ Pero yung My Lord, jusko po, I’m sure hindi naman ikakatuwa yun ni Coco. Napakasimpleng tao niya at sadyang matulungin lalo na sa mga kapwa niya artista. Nakita n’yo naman kung paano niya ipaglaban ang bawat kasamahan niya sa showbiz na nangangailangan ng trabaho and everything,” dagdag paglilinaw pa ng aming source.

Sa social media ay bumuhos naman ang reaksiyon ng milyon-milyong fans and followers ng teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano. Karamihan sa kanila ay kumontra sa paghingi ng sorry ng sikat na aktor sa PNP at DILG.

“What he did is timely, right and just exact. Kilala ko si Coco bilang napakabuti ng puso. Para wala na lang issue. Umiral pa rin ang pagiging tao niya at pagiging mapagkumbaba. Sa ginawa niyang yun ay nakita natin ang humility ng tao. Saludo ako sa kanya,” dagdag pa ng aming kausap.

Samantala, umabot na sa mahigit 40,000 likes and more than 500 comments ang nakuha ng Instagram post ni Coco na, “Sometimes the best revenge is to smile, move on and do nothing.”

Ito na nga kaya ang final answer ni Coco sa lahat ng pinagdaanang isyu nitong nakaraang linggo hinggil sa mga hinaing ng PNP?

Ang sa akin lang, this is a clear sign that there’s really a demolition job against Coco mula sa mga taong insecure sa halos tatlong taon nang pamamayagpag sa ere ng FPJ’s Ang Probinsyano. But sorry to say na hindi kailanman mananaig ang kasamaan laban sa kabutihan!

Napakadali naman kasing intindihin ng mga salitang “fictional” at “disclaimer”!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending