Tamang katapangan ng OFW at hindi reklamador | Bandera

Tamang katapangan ng OFW at hindi reklamador

Susan K - November 21, 2018 - 12:10 AM

WALA nang pinipiling bansa at lahi ang mga pang-aabusong ginagawa ng mga foreign employer sa ating mga OFW.

Napaulat kamakailan lamang na isang 78-anyos na Hongkong employer ang pinatawan ng isang taong pagkakakulong dahil binuhusan niya ng kumukulong tubig ang likod ng Pinay domestic worker sa Hongkong.

Sa HK natitikman ng ating mga OFW ang katarungan mula sa justice system ng bansang ito. Ngunit may mga bansang tinitiis na lamang ng OFW ang pananakit na natikman sa kamay ng employer at pipiliin na lamang na makauwi ng Pilipinas at saka dito magrereklamo.

Kaya nga lamang, mahina na ang laban kapag wala na siya sa bansang iyon. Tulad na lamang sa Pilipinas, paliwanag ng mga abogado natin, na hahabulin lamang at pananagutin ang mga inirereklamo kung ang kaso ay naisampa sa mismong bansang pinangyarihan at presente din ang complainant.

May ilang mga OFW na pilit na lamang nilang kakalimutan ang masasakit na karanasang dinanas sa pangingibang bayan at hindi na magrereklamo.

Hinihimok naman ng ating pamahalaan na magreklamo ang ating mga OFW sa mga pang-aabusong dinaranas sa ibayong dagat. Mahalaga ‘anya ito upang magkaroon sila ng record na abusado ang naturang employer at nang maisama sa listahan ng mga blacklisted employers upang hindi na sila padalhan pa ng mga OFW at wala nang susunod pang Pinoy na maaabuso tulad ng dinanas ng ating kabayan.

Para naman sa ilan nating OFW, mamatamisin na lamang nilang tiisin ang hindi magandang karanasan, sa takot na baka sila din ‘anya ang maipa-blacklist sa mga ahensiyang nagpapalabas ng mga OFW. Takot silang maisama sa listahan ng mga tinaguriang reklamador.

Huwag sanang matakot ang ating mga kababayan na ipaglaban ang kanilang karapatan para na rin sa kapakanan at kaligtasan ng mga kapwa OFW na maaaring susunod na biktima ng mga mapang-abusong employers.

Saan man sila mapunta sa iba’t-ibang panig ng mundo, maging matapang sana ang ating mga kababayan na ipagtanggol ang kanilang mga sarili. Alamin ang mga batas na umiiral sa mga bansang pinupuntahan. Ngunit magagawa lamang nila ang lahat ng ito kung sila mismo ay maituturing na mga masunurin sa batas tulad ng pagsunod sa tamang proseso ng pag-aabroad.

Hindi sila aalis ng bansa bilang turista. May tamang dokumentong tangan-tanyan tulad ng kontratang prinoseso sa POEA. May sapat na proteksyon tulad ng pagiging miyembro ng OWWA, PhilHealth, SSS, Pag-Ibig Fund at marami pang iba.

May kaakibat na proteksyon ang pangingibang bayan. At ang bawat individual na OFW ang responsable sa kanilang mga sarili.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM(M-F 10:30 am 12:00 pm, audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziqHelpline: 0998.991.BOCW E-mail: [email protected]/[email protected]

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending