Kim super yaman na, kabilang sa top celebrity taxpayers ng Pinas
PASOK si Kim Chiu sa hanay ng top celebrity taxpayers ng bansa. Hindi man niya i-flaunt ang kanyang properties and investments, masisilip naman kung magkano ang binabayaran niyang tax sa BIR every year.
Tinanong ng Asia’s King of Talk Boy Abunda sa Tonight With Boy Abunda si Kim tungkol dito at ayon sa kanya sakto lang daw ang yaman niya.
Although, inamin niya na keri na niyang bilhin lahat ng gusto niyang material things. Pa-humble lang ang dalaga dahil ang totoo super rich na siya.
And speaking of Kuya Boy, matagumpay at level-up ang naganap na awards night ng kanyang Make Your Nanay Proud Foundation para sa 2018 Best Nanay Awards na ginanap sa Chardona By Astoria sa Pasig City recently.
During his speech ay naikwento niya ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang inang si Nanay Lesing Romerica Abunda na siyang dahilan sa pagbuo niya ng MYNP Foundation.
May dementia si Nanay Lesing at paiba-iba ang kanyang kondisyon. Ipinagawa niya ng parang hospital bed ang ina sa kanilang bahay at thankful siya dahil malakas pa rin lahat ng vital signs nito.
“She’s a very strong woman. She’s turning 90 ngayong January 1, 2019. Nanay’s vitals are very strong. She has dementia. May mga araw na ang aming dasal na sana ay makapagpahinga at matulog. ’Pag natutulog naman dalawa, tatlong araw dire-diretso.
“May mga araw naman na ang aming dasal ay sana’y gumising dahil tuluy-tuloy din ang kanyang tulog,” pahayag ni Kuya Boy sa awarding ceremony ng 2018 Ten Best Nanay Awards.
May araw na siya ang nagtuturo kay Nanay Lesing to open her mouth and chew her food. May araw din na sobrang sakit para sa kanila na makitang nahihirapan ito dahil sa karamdaman niya. Wala raw silang magawa kundi ang lumuhod at magdasal sa Diyos.
“Pero hindi ako mapapagod sa kakasabi sa inyo at sa buong mundo using my platform that the biggest blessing I have in my life ay binigyan ako ng Panginoong Diyos ng pagkakataon na maging nanay sa aming nanay. Because naniniwala ako that no other job, no other profession, no other person in the world is more important than a mother,” say pa niya.
Kabilang sa 10 butihing mga ina na itinanghal bilang Best Nanay for 2018 ng MYNP ay ang retired teacher at mag-isang nagtaguyod sa dalawang anak na makapagtapos sa kolehiyo na tinawag din bilang NayTay ng Tondo na Mrs. Flocita Tiles Gragas. Congrats po sa inyong lahat!
q q q
Pinag-usapan sa social media ang picture nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino na naghahalikan.
May nag-conclude na confirmation na ‘to na magkasintahan na ulit ang mag-ex. Marami naman ang kinilig na netizens at nag-wish na true na sana ang pagbabalikan nila.
Nagulat naman kami na isa sa kinikilig at gusto-gusto rin na maging sina Carlo at Angelica na ulit ay walang iba kundi ang veteran actress na si Gina Pareño.
“Napanood ko ‘yung movie nila, ang ganda. Alam mo gusto ko ‘yung dalawa magbalikan,” pag-amin ni Gina sa amin.
Bilib na bilib din siya sa husay ni Carlo sa pag-arte, “Ang galing-galing pala ng batang ‘yun. Gusto ko magbalikan ‘yung dalawa. Sabi ni Direk Dan (Villegas), ‘Ayos na.’”
Si Direk Dan ang director ng last movie nina Carlo at Angelica, ang “Exes Baggage.” At siya rin ang director ni Gina sa movie nila ni Eddie Garcia na “Hintayan Ng Langit” na malapit nang ipalabas sa mga sinehan.
Tampok din si Gina sa episode ng Maalaala Mo Kaya last Saturday sa ABS-CBN na idinirek ni Nuel Naval.
Nakasama niya rito si Loisa Andalio na gumanap bilang apo niya na si Kikay na lumaki sa sementeryo at tumutulong sa pamilya sa pamamagitan ng pagbebenta ng kandila at bulaklak.
Very inspiring ang kwento ng buhay ni Kikay dahil sa kabila ng kahirapan ay sinikap niyang makapagtapos. Pinost niya sa Facebook ang kanyang graduation picture kung saan napansin siya ng netizens at itinampok sa iba’t ibang TV programs at naisulat sa mga pahayagan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.